Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tuition fee sa private schools no discounts kahit online classes dahil sa pandemya

NAGHIHIMUTOK ang mga magulang na nagpapaaral ng mga anak sa private schools.

Tila hindi raw nakikita ng school owners or administrations ang epekto ng pandemya lalo sa mga magulang na nagpapaaral sa mga eskuwelahang matagal na rin naman nilang ‘pinayayaman.’

Ang isa sa mga himutok at daing ng mga magulang, hindi pa natatapos ang school year, heto at nananawagan na ipa-enrol na ang kanilang mga anak.

At ‘yun nga, kailangang buo pa rin ang tuition fee gaya noong normal pa ang panahon.

Hindi ba’t sa online classes ay mas malaki ang disbentaha ng mga estudyante?          

Sa online classes kasi ay hindi talaga natututukan ng teachers ang bawat isa sa kanilang estudyante. E kasi nga ‘virtual classes’ ‘yan.

Sa ‘new normal’ schooling malaki ang natitipid ng mga eskuwelahan. Less ang maintenance. Less ang koryente, less ang water consumption, at puwede sigurong once a week lang ang paglilinis sa classrooms.

‘Yung suweldo ng kanilang mga empleyado, teachers at iba pang staff or personnel for sure naman ay kuhang-kuha na sa tuition fee ng mga estudyante.

Hindi naman natin sinasabing, gawing kalahati ang tuition fee ng mga estudyante.

‘Yung bawasan man lang nila ng 20 percent ay malaking bagay na lalo’t tiyak na maraming nagtatrabaho o nagnenegosyong magulang ang naapektohan din ng pandemya.

Palagay naman natin ‘e hindi na kailangan pang dumaing ang mga magulang bago bawasan ang tuition fee.

Ramdam naman siguro ng school owners or administrations ang bigat ng kabuhayan ngayon.

Kaunting consideration lang po nag hinihingi, kaysa naman lumipat pa sa ibang school ang mga estudyante.

‘Yan siguro ay isang makabuluhang aksiyon ng mga pribadong paaralan at makadaragdag ng respeto sa kanila ng buong academic community.

Umpisahan n’yo na!

 

BEWARE SA ONLINE
BUYER NA SCAMMER

PANAWAGAN po sa lahat ng legit na online sellers. Mag-ingat po kayo sa mga buyer na ‘galanteng’ umorder at mabilis magpadala ng ‘deposit slip.’

Bago po ninyo ipadala ang items na inorder nila, i-check muna ninyo sa inyong banko kung pumasok talaga ang payment nila.

Katulad po ng isang kabulabog natin na napadalhan sa messenger o viber ng bogus na deposit slip.

Nagtaka nga ‘yung kabulabog nating online seller dahil ang laki ng amount, more than P50,000 tapos nai-send na raw thru online banking?!

Pinanindigan pa ang kanyang kasinungali­ngan.

Tsk tsk tsk…

Ibang klase rin ang mga taong kagaya nitong si… tawagin na lang nating alyas Kluding na napakalakas ng loob manggoyo.

Kayong mga manloloko… ingat lang, baka may kalagyan kayo. Tigilan ninyo ang makaprehuwisyo ng mga taong nagtatrabaho at kumikita nang parehas.

Alalahanin ninyo, mabilis na ngayon ang karma. Baka kumatok na ‘yan sa pintuan ng mga bahay ninyo, kagabi pa.

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *