Saturday , November 16 2024

Serye-exclusive: Katas ng OFWs itinustos sa luho, estilong jetsetter ng mga Villamin

ni ROSE NOVENARIO

NAGING jetsetter ang ilang miyembro ng pamilya ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm Inc., mula nang magtagumpay sa paghikayat sa overseas Filipino workers (OFWs) na maging investors sa kanyang agribusiness a la Ponzi scheme.

Bukod sa Japan, Qatar at Singapore, rumampa rin si Villamin sa Hong Kong, Spain, Thailand, at Italy para personal na ‘utuin’ ang OFWs na ipagkatiwala sa kanyang kompanya ang perang naipon na kung susumahin ay bilyones.

Napaniwala niya ang mga migranteng manggagawa na lehitimo ang ‘Ponzi scheme’ ng DV Boer lalo nang lumagda ang kompanya sa isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang National Reintegration Center for OFWs of the Overseas Workers Welfare Administration (NRCO-OWWA) na may layuning tulungan umano ang returning OFWs para pagkakitaan ang pag-aalaga ng mga kambing at iba pang hayop.

Nailathala sa ilang pahayagan ang MOA signing ceremony noong 21 Setyembre 2017.

Lingid sa kaalaman ng mga migranteng manggagawang inilagak ang kanilang pinaghirapang ipon sa DV Boer, ipinangalandakan sa social media ng ilang miyembro ng pamilya Villamin ang kanilang pagliliwaliw sa ibang bansa.

Gaya ng panganay na anak ni Villamin na si Ina Alleli Co, chief finance officer ng DV Boer, na ‘vacacion grande’ sa Paris, France noong Hunyo 2019 o dalawang buwan matapos maglabas ng advisory and Securities and Exchange Commission (SEC) na nagbabala sa publiko na huwag tangkilikin ang investment scheme ng DV Boer dahil wala itong secondary license mula sa komisyon para magbenta ng investment.

Namasyal din sa Hong Kong, Switzerland, Japan, South Korea, Singapore ang mag-inang Marianne Co at Ina Alleli.

Si Marianne ang common-law wife ni Villamin, may apat silang anak at siya’y vice president at chief operations officer ng DV Boer at incorporator ng DV Boer Microfinance, Magsasaka Inc., Sharebate, DV Boer Security, at DV Boer Garments, at may-ari ng Gentles Kennel.

Nagdaos ng ‘celebrity-like birthday party’ ang magkapatid na Ina at Alliyah sa Batangas.

Nang mabisto ng OFWs ang lavish lifestyle ng mag-iina ni Villamin, hindi maiwasang magngitngit at magbalik sa kanilang alaala ang nabunyag na pagbubuhay reyna at prinsesa ng mag-inang Jeanne at Janet Napoles, ang tinaguriang pork barrel scam queen, na nagpakakasasa sa pera ng bayan.

(May Karugtong)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *