Saturday , December 21 2024

Serye-exclusive: Roadshows sa OFWS ng DV Boer ‘nagpayaman’ sa Villamins

ni ROSE NOVENARIO

NAMUHAY na mistulang ‘royal family’ ang mga kaanak ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm Inc., at rumampa sa iba’t ibang sulok ng bansa at sa ibang parte ng mundo.

Kung sa investor pa lang ng DV Boer na si Jayson Molina ay nakasikwat na si Villamin ng P19.36 milyon para sa kanyang agribusiness investment scam, hindi imposible na multi-bilyong piso ang kanyang nahamig sa 10,000 investors.

Nabatid na sinakyan ni Villamin ang ‘rock star status’ ni Pangulong Duterte sa hanay ng overseas Filipino workers (OFWs), pinagkaka­guluhan siya sa mga pagtitipon ng Filipino community at marami ang umasa sa slogan ng kanyang administrasyon na “change is coming.”

Nakita ni Villamin na oportunidad ito para kontakin ang ilang grupo ng OFWs at non-government organizations (NGOs) para maglunsad ng roadshow sa ibang bansa upang kombinsihin ang mga migranteng manggagawa na maglagak ng puhunan sa kanyang agribusiness alinsunod umano sa programang food security ng administrasyong Duterte.

Kabilang sa mga pinuntahang bansa ni Villamin ang Qatar, Japan, at Singapore.

Lumahok ang DV Boer ni Villamin sa Philippine Festival – Tokyo na ginanap sa Hibiya Park noong 8-9 Setyembre 2018.

Habang sa Singapore ay katulong niya si Floi Wycoco, founder ng The Global Filipino Investors (TGFI), at Richard Macalintal sa pag­susulong ng adbokasiya na umano’y mag-aangat ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng programang ‘Paiwi’ o paalaga na bibili ang investor ng livestock gaya ng kambing, baka, baboy, at manok.

Ang DV Boer ang mag-aalaga nito pero tiniyak na naka-seguro (insured) ang mga hayop at garantisadong babalik ang puhunang inilagak ng may 30% kita kada tatlong taon.

Sa Qatar ay dalawang beses nagdaos ng roadshow ang grupo ni Villamin noong 2018 para himukin ang OFWs na maging investors ng DV Boer programs.

Noong 21 Oktubre 2017 ay inilathala sa pahayagang The Peninsula sa Qatar ang artikulo kaugnay sa ginanap na Philippine Trade and Tourism Conference – Qatar (PTTC-Q) sa Shangri-La Hotel Doha na dinaluhan ni  Philippine Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo at isa si Villamin sa naging tagapagsalita.

Kabilang ang mga naturang pagtitipon sa mga naging dahilan kaya ‘bumaha’ ang kuwarta sa pamilya Villamin.

Natustusan nila ang marangyang pamumu­hay, ilang beses nakapag­bakasyon ang pamilya sa ibang bansa, nakapagpundar ng naglalakihang bahay, nakabili ng yate, at chopper.

(May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *