Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ali Forbes, palaban sa sexy role

KASALUKUYANG nagsu-shooting na ang pelikulang Nelia na pinagbibidahan ni Winwyn Marquez.

Isa si Ali Forbes sa gaganap ng mahalagang papel sa proyektong ito ni Direk Lester Dimaranan, na unang pagsabak ng A and Q Productions Films Incorporated sa pagpoprodyus ng pelikula. Ang kompanya ay pinamumunuan nina Attorney Aldwin F. Alegre and Attorney Mary Melanie Honey Quiño, na siya ring sumulat nito.

Ipinahayag ni Ali ang role sa pelikulang ito.

Aniya, “My role here is si Ana, si Ana rito actually is very interesting ‘yung role niya. Si Ana ay isang seksing nurse rito and at the same time, marami kayong… paano ko ba sasabihin ito? Eto ‘yung role na exciting for me, kasi ay ngayon ko lang ito gagawin.

“At the same time, may mga gagawin ako sa movie na ito na talaga namang kaabang-abang siya. Kakaiba siya, hindi lang siya maarte, hindi lang siya suplada, dahil si Ana ay may misteryo rin sa character niya rito sa movie na Nelia.”

Game na ba siya talagang sumabak sa sexy role? Esplika ni Ali, “Yes actually, ako naman kasi ang tipo ng tao na kapag may ibinigay sa aking trabaho, I’ll just do my best para roon sa character. Whether it’s sexy, tweetums or kahit ano pa iyan.

“And with this movie na Nelia, ang character ko kasi rito is very challenging siya talaga. Iyon lang ang masasabi ko… It’s sexy yes, pero may something about Ana kasi rito na ngayon ko pa lang gagawin. And I’m really looking forward na maibigay ko ‘yung best ko for that role.”

Tampok din sa pelikulang Nelia sina Mon Confiado, Dexter Doria, Lloyd Samartino, Vin Abrenica, Shido Roxas, at Raymond Bagatsing bilang si Dr. Rey.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …