Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 weeks lockdown sa QC Hall of Justice, hiniling ng judges

HINILING sa Court Administrator ng Supreme Court (SC) ng mga huwes sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na isailalim sa dalawang linggong lockdown ang Hall of Justice.

Sa pangunguna ng Executive Judge ng QC, ipinaabot ni Cecily Burgos-Villabert kay Court Administrator Jose Maidas Marquez na dapat isara ang lahat ng korte sa lungsod dahil sa pagdami ng CoVid-19 cases.

Sa loob ng buwan ng Marso 2021, umabot sa siyam na empleyado nila ang nahawaan ng virus, pinakamataas na ito mula nang pumasok ang CoVid-19 sa bansa.

Sa kanilang mungka­hi, nais nilang isara muna mula 22 Marso hanggang 4 Abril ang lahat ng korte upang bigyang daan ang disinfection.

Mananatili aniya ang daily workload ng mga empleyado dahil gagawin ito sa pamamagitan ng online.

Masyadong nababa­hala si Judge Villabert sa patuloy na pagtaas ng mga nahahawaan ng virus kung saan masyadong expose ang lahat ng Court personnel.

Una nang inaprobahan ng SC ang 30% – 50% skeletal work sa mga korte dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga may CoVid-19. (ALMAR DANGUILAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …