Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vin bilang bagong tatay — nakakapagod pero it’s the most rewarding thing

MAS inspired ako ngayon.”  Ito ang sinabi ni Vin Abrenica sa digital story conference ng Nelia na pagbibidahan ni Winwyn Marquez handog ng A and Q Productions.

Ang sagot ni Vin ay base sa tanong sa kanya ukol sa kung ano ang mga pagbabago sa kanya ngayong isa na siyang daddy.

Ani Vin, mas inspired siya ngayong magtrabaho lalo’t limang araw pa lang nang magsilang si Sophie Albert sa kanilang baby girl.

Sinabi pa ni Vin na sanay na siya sa pagpupuyat at pag-aalaga ng baby dahil siya mismo ay nag-alaga ng mga kapatid niya.

“Ako kasi mismo ang nagpapalit ng diapers ng mga kapatid ko. About sa puyat, it’s been five days of no sleep. The first two days hindi talaga kaya nadudulong na ako. Pero kaya na kasi feeling ko kahit sobrang nakakapagod pero it’s the most rewarding thing.

“Every second ay sinusulit ko. Sobrang sarap (pagiging tatay) lang every moment now,” masayang pagbabahagi pa ni Vin ukol sa bagong silang nilang anak.

At ngayong tatay na siya, na-realize niya na, ”I’m not living my life for myself anymore. At lalo kong minahal ang parents ko kasi hindi pala biro maging magulang. But it’s a very fulfilling feeling.”

Sinabi pa ni Vin na excited siyang gampanan ang role niya sa Nelia na isang Nurse.

“I’m excited with my role kasi nursing is my first course in college in Pampanga. Naka-two years ako before I moved to Manila and joined showbiz.”

Excited din siyang makatrabaho sina Winwyn gayundin sina Raymond Bagatsing, Shido Roxas, Ali Forbes, at Lloyd Samartin.

Ang Nelia ay ukol sa mental illness at siya si Jeff isang Nurse sa isang a mental hospital. Ito ay ididirehe ni Lester Dimaranan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …