Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng CoVid-19… IATF isolation, quarantine, o lockdown lang ba talaga ang solusyon? (Private sector ayaw payagan bumili ng bakuna)

HABANG sinasabi ng matataas na opisyal ng gobyerno na handa silang bumili at mag-angkat ng bakuna laban sa CoVid-19, iba naman ang aktuwal na nagaganap.

Sa totoo lang, ‘yung ingay ng administrasyong Duterte na kaya nilang bumili ng bakuna at mayroon daw pondo — sa kasalukuyan ay umabot na sa P126.75 bilyones ang utang ng Filipinas para sa anti-Covid-19 vaccine — pero hanggang ngayon wala tayong makitang agresibong hakbang sa pagbabakuna.

Sa totoo lang kung hindi pa dumating ‘yung SINOVAC ng China at ‘yung AstraZeneca ng UK — na ang sabi ay parehong donasyon —  malamang hindi pa nabakunahan ang ilang frontliners natin.

Sa totoo lang ulit, wala nang ibang no. 1 frontliners ngayon kundi ang health workers dahil sila ang humaharap at nag-aasikado sa mga maysakit kabilang ang mga kaso ng CoVid-19.

Pero ang tanong nga, bakit hanggang ngayon hindi pa nababakunahan ang lahat ng mga frontliner?

Kung hindi tayo nagkakamali, nag-o-offer na ang private sector na sila na ang bibili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado at magkakaloob pa sila ng ilang porsiyentong bahagi ng kanilang binili sa pamahalaan bilang tulong sa ating mga kababayan.

Pero ang iba’t ibang industriya ay tila hinarang ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force (NTF) sa pagbili ng CoVid-19 vaccines.

Ayon sa mga mambabatas, nakakuha sila ng draft ng administrative order, na papipirmahan kay Presidente Duterte, upang sagkaan ang malalaking kompanya ng mga tabako, gatas, asukal, soda, at alcohol, ganoon din ang multinational firms na nakabase sa bansa, na umayuda sa national vaccination program ng pamahalaan.

Kabilang sa mga kompanyang ito ang San Miguel group, Lucio Tan group, Puregold, Nestle, Destileria Limtuaco, at lahat ng soft drink producers, Tanduay, Ginebra, White Castle, at iba pa.

Kapag hindi umano makabili ng bakuna ang mga malahiganteng kompanya, 50 percent ay ido-donate sa publiko dahil walang pera ang gobyerno.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, tagapangulo ng Senate committee on economic affairs, ang nasabing administrative order ay hindi lamang magpapabagal sa vaccination ng 70% Filipino upang maabot ang tinatawag na ‘herd community’ ngayong taon, kundi babawasan din nito ang kakayahan ng pamahalaan  na bumuo ng inaasahang kita para pondohan ang national vaccination program.

Sa Section 5 ng administrative order, sinasabing rerepasohin ng NTF at ng DOH ang lahat ng requests mula sa private entities sa pagbili ng bakuna upang matiyak na hindi sila konektado sa tobacco industry, at mga produktong nasa EO 51 series of 1986 (National Code of Marketing of Breastmilk Substitutes, Breastmilk Supplement and Other Related Products) o iba pang produkto na may conflict sa public health.

Kamakailan dinisaprobahan din umano ni NTF chief Carlito Galvez, Jr., ang vaccine importation ng tatlong malalaking Filipino-Chinese chambers of commerce.

Ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FCCCII) ay hinarang umano sa importasyon ng 500,000 doses Chinese vaccine maker Sinovac, matapos lagdaan ang  kasunduan.

Arayku!

Kung sa Amerika halos 100,000,000 na ang nabakunahan, dito sa Filipinas nganga to the maxx pa rin ang sambayanang Pinoy! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *