Friday , November 15 2024

Petisyon vs SJDM mayor

SANGKATUTAK na negatibong komento sa social media ang naka-post mula sa iba’t ibang grupo at mga residente ng City of San Jose del Monte, Bulacan kaugnay ng ipinatatayong landmark na may inisyal na pangalan ni Mayor Arthur Robes na ‘di hamak na mas malaki pa sa SJDM at maging sa mga pader na ginawang bakod.

Nangangalap ngayon ng signatory campaign ang isang grupo laban kay Mayor Robes na sinasabing ‘ilegal’ ang nasabing proyekto ng kasalukuyang alkalde.

Mayroong nagkomento sa social media din na ang nasabing proyekto umano ay bahagi ng pagkilala sa SJDM bilang ‘rising city’ na agad kinontra ng netizens at nagsabi na huwag gawing tanga ang mga taga-SJDM! Dahil ang “I LOVE (na hugis puso) AR” ay pagpapatunay lang na ‘conflict of interest’ ng administrasyong Robes, at isang maagang pangangampanya sa malayo pang araw ng eleksiyon.

Nasaktan umano ang mga taga-SJDM dahil imbes “I LOVE SJDM” ay I LOVE AR ang nakikita na pagpapatunay umano na mistulang ‘pag-aari’ na ng alkalde ang kaban ng bayan ng SJDM mula sa taxpayer ng siyudad ng SJDM, Bulacan.

Sa kasalukuyan ay umiikot umano ang signature campaign vs Robes at inaabangan pa natin ang kasong isasampa laban sa naturang Mayor.

Sana matuloy ang petisyon…

KAWAWANG MGA NEGOSYANTE

First quarter ng taon, bayad sa mga business permits, real property tax, at sa Bureau of Internal Revenue… ‘yan ang sakit ng ulo ng mga nego­syante dahil hanggang nga­yon ay ‘di pa tapos ang pandemic at lalong lumolobo ang CoVid virus at UK variant sa bansa. Paano ang mga nego­syante? Kapag nagsara ang mga negosyo, paano na ang ekonomiya ng bansa?

Higit na kawawa ang mga lokal na pamahalaang umaasa sa pagbabayad ng buwis ng mga negosyante? Paano matutugunan ang mga proyekto ng mga namumuno?

Gaya ngayon, nagpalabas ng kautusan ang Palasyo na balik skeletal force ang lahat ng nasa ilalim ng gobyerno, paano ang mga empleyado na nasa ilalim ng job order? At ‘yung mga regular employees naman at patuloy na sasahod ng a-kinse at katapusan ng bilang lang ang araw ng pasok? Ang suweldo nila ay buhat sa mga taxpayers, paano kung wala nang magbayad?

Grabe na ang dinaranas ng sanlibutan, mabuti at may vaccines nang dumating. Paano naman tayo nakatitiyak na totoong ligtas na tayo kung may vaccines na?

Dasal… Dasal ang pinakamahusay na armas sa ngayon.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *