Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

HVI, arestado sa P.5M-shabu (Sa Quezon City)

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na high value individual (HVI) ng mga awtoridad  matapos makompiskahan ng shabu sa buy bust operation sa Brgy. Talipapa, Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Danilo Macerin ang suspek na si Marvin Sigua, 45, ng 8D, 2B, Don Segundo St., San Agustin Village, Brgy. Talipapa.

Sa ulat, dakong 9:40 pm nitong 20 Marso,  nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng Galas Police Station (PS 11) at Talipapa Police Station (PS 3) ang suspek sa isang joint buy bust operation sa kanyang tahanan.

Nauna rito, nakatang­gap ng tip ang PS-11 mula sa isang confidential informant hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya nagkasa ng opera­syon.

Isang undercover cop ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P12,000 halaga ng shabu mula sa suspek ay agad inaresto.

Bukod sa buy bust money, nakompiska rin ang 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P510,000 at isang kulay itim na pouch.

Ang suspek ay nakapiit at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …