NAKATAKDANG gawin ng award-winning actor na si Allen Dizon ang pinaka-daring niyang proyekto sa 22 years ng kanyang showbiz career. Pinamagatang Abe-Nida, ito ay passion project at bagong obra ni Direk Louie Ignacio mula rin sa istorya ni Direk Louie mismo at sa script ni Direk Ralston Jover.
Ito ang hudyat sa pagbabalik ng BG Productions International ni Ms. Baby Go sa pagagawa ng pelikula.
Saad ni Allen, “Ito ‘yung pinaka-daring kong movie, wala pa akong ginawang ganito. Wala, wala pa… Kasi, may masturbation scene ako rito, may nude – lalakad akong nakahubad, may love scene… parang ‘di ko pa ginagawa ang mga ito, e.”
May eksena raw na parang hahawakan o lalamutakin niya ang boobs ni Katrina?
Sagot niya, “Oo, hindi ko pa rin ginagawa iyon kahit saang pelikula ko mula nang nag-start akong umarte. And kapag daw artist ka, kapag nag-uukit ka, sculpture ka, talagang para ka raw nakikipag-sex, iyon ‘yung feel mo.”
Pahabol pa niya, “So, talagang dapat hinahawakan mo, ‘yung hagod mo, ‘yung hawak mo sa lahat, so dapat ‘yung may sensation kang nararamdaman at kailangan kong ma-feel iyon talaga sa paggawa ng pelikulang ito.”
Ipinahayag ni Allen, challenge sa kanya ang proyektong ito.
Lahad niya, “Feeling ko itong Abe-Nida, kung magagawa namin nang maayos ang movie ay maraming hahakuting award, kung magawa namin nang maayos ng team – sina Katrina, Direk Louie, at ako, siguro, siguro…
“Maganda ‘yung script and napaka-dark ng film, para kang gumagawa ng international movie, parang ganoon.
“Kasi karamihan naman ng ginagawa ko, iyan, iyong pipi, tapos naging bulag ako, naging battered husband ako… So, nakikita natin iyon sa mga ibang pelikula, na kahit paano ay may gumaganap pa naman niyon, e.
“Pero itong mga ganito… ito medyo mahirap, iyong baliw-baliw, iyong artist na may sayad na role, parang wala pa akong nakikitang gumagawa nito sa atin? So, bago sa akin itong papel na ito at nandoon ‘yung challenge.”
Tampok din sa pelikula ang mga premyadong actor/direktor na sina Joel Lamangan at Laurice Guillen, sina Maureen Mauricio, Vince Rillon, Leandro Baldemor, at ang Pola, Oriental Mindoro mayor na si Ina Alegre.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio