Saturday , November 16 2024
Manila

16 barangay sa Maynila lockdown

NAKATAKDANG isaila­lim sa lockdown ang 16 barangays sa Maynila, simula 24 Marso, dakong 12:01 am hanggang 27 Marso, dakong 11:59 pm sa Maynila

Napagalaman, nagde­sisyon si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ipatutupad ang lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19 sa 16 barangays.

Ani Moreno nasa “critical zones” ang mga barangay saka nilagdaan ang Executive Order No.11.

Kabiloang sa mga barangay na isasailalim sa lockdown ang barangays 1, 50, 106, 109, 184, 192,  209,  296, 493, 515, 586, 636, 669, 790, 883, at Barangay 875.

Ikakasa ang lockdown upang magsagawa ng massive contact tracing at disease surveillance sa mga nabanggit na barangay.

Nakapoob sa lockdown ang mahigpit na pagbabawal sa paglabas ng bahay sa nabanggit na panahon at tiniyak ni Moreno na padadalhan ng food pack ang mga residente.

Napagalaman, exempted sa lockdown ang mga Authorized Person Outside of Residence (APOR) tulad ng health workers, military personnel, service workers (pharmacies, drug stores, and funeral homes), utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, and critical transport facilities including port operation), essential workers (goods delivery, food delivery, banking and money services), barangay officials (chairpersons, barangay secretary, barangay treasurers, kagawads, and executive officers) at media practitioners accredited by the Presidential Communications Operations Office at Inter-Agency Task Force. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *