Monday , December 23 2024

Serye-exclusive: ‘Investment scammer’ AFP Kapayapaan awardee (Multi-bilyong piso ‘hinuthot’ sa OFWs)

ni ROSE NOVENARIO

HABANG tuliro ang buong sambayanang Filipino sa matinding hagupit sa kabuhayan ng CoVid-19 pandemic, naging abala si Dexter Villamin ng DV Boer Farm Inc., sa paggamit sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang ‘kumot’ laban sa maraming reklamo sa kanyang multi-billion pesos agri-business investment scam at mga kasong syndicated estafa.

Ipinagmalaki ng AFP sa kanilang press release noong Abril 2020 dala­wang ektarya ng Camp Capinpin sa Tanay, Rizal ang gagamitin para pagtaniman ng mga sundalo upang maiwasan ang nakaambang krisis sa pagkain bunsod ng pandemya.

“The Army Commander in Southern Tagalog said that the idea to support the needs of the community and the people under quarantine was in line with the guidance of Secretary Dennis Hernandez, the Presidential Adviser for Southern Tagalog, that was coursed through the AFP’s Southern Luzon Commander, Lt. Gen. Antonio Parlade,” ayon sa ulat ng Kalinaw News noong 13 Abril 2020.

Ang tugon umano ng mga sundalo mula sa 2nd Infantry Division sa naturang programa ay sa pakikipagtambalan sa DV Boer International Farms Corporation na may 20 farms umano sa buong Region 4A.

Inihayag ni Major General Arnulfo Marcelo Burgos, Jr., commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, alinsunod sa isinusulong nilang programa, ang mga nakatiwangwang na lupain sa mga kampo militar ay magagamit habang ginagampanan ng mga sundalo ang kanilang mandato na maglingkod sa bayan sa aspektong food security.

Sabi ni Burgos, magiging mababa ang tsansa na magkaroon ng CoVid-19 ang mga sundalo dahil mabibilad sila sa araw na isa sa mga rekomendadong hakbang ng health experts laban sa virus.

Ipinangalandakan sa ulat na ang kapareha ng AFP sa programa na si Villamin ay isang 2018 Gawad Kapayapaan Awardee.

“Mr. Villamin is an AFP KAPAYAPAAN AWARDEE for 2018 and has long been advocating for food security through a network of “sub-farms” across the country. His group is a great contributor in promoting peace in many communities thru the agricultural livelihood that they have given, thus, making employment available and local food affordable,” sabi sa ulat ng militar.

Nabatid na ang Gawad Kapayaan award ay ipinagkakaloob sa mga sundalo, sinomang mamamayan ng Filipinas o “friendly foreign nations” bilang pagkilala sa “outstanding services to internal peace and security.”

Ang sinomang maka­ta­tanggap ng karangalan ay dapat nakapag-ambag sa pagsusulong ng “societal understanding and reconciliation or must have made exceptional achievement in pursuit of national accord and development.”

“Paano magiging instrumento ng kapayapaan at food security si Villamin kung libo-libo kaming biktima ng kanyang investment scam? Sa laki ng intelligence fund ng AFP, wala bang nakaalam sa kanila ni isa sa kanila na sabit sa syndicated estafa ang katambal nila sa programa?” anang isang biktima ng DV Boer.

Matatandaan noong Abril 2019 unang napabalita na nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko na huwag tangkilikin ang investment scheme ng DV Boer dahil wala itong secondary license mula sa komisyon para magbenta ng investment.

Si Burgos ay nalipat bilang commander ng Northern Luzon Command (NolCom) noong Setyembre 2020 at wala pang ulat kung may kinahinatnan ang iniwan niyang programa sa 2nd ID sa Tanay katuwang si Villamin.

(May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *