Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quinn Carrillo, dream role ang maging kontrabida

AMINADO ang talented na Belladonnas member na si Quinn Carrillo na halos hindi siya makapaniwala na isa nang ganap na Viva artist. Kamakailan ay pumirma si Quinn ng guaranteed 10-picture movie contract sa Viva Films.

Sambit niya, ”Sobrang masaya po ako na Viva artist na rin ako. Pero medyo hindi pa rin po gaano nagsi-sink in sa akin ‘yung mga pangyayari, hahaha!”

Bukod sa pagpirma sa Viva, isa si Quinn sa casts ng pelikulang Silab na pinag­bibidahan nina Cloe Barreto, Marco Gomez, at Jason Abalos.

Inusisa namin kung ano ang role niya sa Silab na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan? ”Iyong role ko po ay si Marta, ako po ‘yung maharot na yaya ni Ms. Lotlot de Leon. So, medyo ako po ‘yung comedic relief sa film,” nakangiting esplika ni Quinn na naging bahagi ng Starstruck-Season 7 bilang si Kyle Lucasan.

Paano niya ide-describe ang kanilang pelikula? ”Ayaw ko po masyadong magkuwento, basta masasabi ko lang po ay maganda talaga siya and its a deep dark film. Kaabang-abang talaga, something different sa Philippine cinema.”

Alam ba niya kung gaano ka-daring dito sina Cloe at Marco? “Daring po talaga sila. Pero for me, parang kapag napanood mo ‘yung film, ‘di mo na mapapansin ‘yun, e. Kasi mas magfo-focus ka sa story talaga,” aniya.

Nabanggit din ng dancer/actress ang kanyang dream role.

“Ang dream role ko talaga ever since ay ‘yung bida-kontrabida, parang si Ruby sa dating TV series na si Angelica Panganiban ang gumanap. ‘Yung maldita-maldita role, feel ko mapu-pull off ko siya, hahaha!” Nakatawang pakli pa ni Quinn.

Ang Silab ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network owned ng talent manager na si Ms. Len Carrillo. Tampok din sa pelikula sina Chanda Romero, Jim Pebanco, Karl Aquino, Christine Bermas, Rie Cervantes, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …