Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Johannes Rissler, sobrang grateful sa bagong endorsement

PATULOY sa paghataw ang career ni BidaMan third placer na si Johannes Rissler. Bukod kasi sa pelikula at TV, pati endorsement ay mayroon din ang guwapitong 22-year old Davaoeño na isang half German at half Filipino.

Napanood si Johannes sa BL web series na Ben X Jim na tinampukan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez.

Bukod sa paglabas sa It’s Showtime, bahagi rin si Johannes ng casts ng Gen Z ng TV5. Sa pelikula ay mapapanood din si Johannes very soon sa The Soul Sisters ni Direk Easy Ferrer, starring Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros. Parte rin siya ng sequel ng Ben X Jim.

Recently ay nag-photo shoot si Johannes sa latest endorsement niya ng isang bagong clothing brand.

Ano ang reaction niya na may bago si­yang endorsement? Masayang sagot ni Johannes, “Sobrang saya ko po sa endorsement, siyempre. Kasi, parang ang daming nangyayari sa career ko kahit pasimula pa lang ang taon.”

Aniya pa, “Grateful ako, sobra! Kasi nabigyan ako ng opportunities na ikagaganda rin ng career ko.”

Ano ang nauna niyang endorsement, mayroon na ba? “Yes, may iba rin ako endorsement. Coffee naman ‘yun, Lite 16 in 1 drink. Kaya talagang blessed, sobra… na kahit may pandemya ay may mga endorsement pa rin na dumarating.”

Si Johannes ay nasa pangangalaga ng Mannnix Carancho Artist & Talent Management owned by Mannix Carancho na CEO ng Prestige International. Si Amanda Salas ang Marketing Director nito.

Sa Gen Z, isang bully ang role ni Johannes at sa Ben X Jim ay toxic na ex-boyfriend ni Teejay. Okay lang bang malinya siya sa bad guy o kontrabida role?

Pakli ni Johannes, “Hindi ko alam, pero iyon ‘yung dumarating na work sa akin, e. So, ibinibigay ko na lang ‘yung best ko kung ano ‘yung dumarating

“Okay lang naman kung malinya ako sa kontrabida role, hindi ko naman din pinangarap na maging lead talaga. Gusto ko lang ma-maintain na may work lagi sa industriya,” saad niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …