Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Jeepney operators humiling ng dialogue kay Mayor Isko (Sa Manila non-contact apprehension)

ILANG jeepney operators ang dumaraing at humihingi ng dialogue kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso dahil sa epekto sa kanila ng “Manila Non-Contact Apprehension.”

Kung dati, kapag natiketan ang driver, e sagot nila ang pagtubos ng kanilang lisensiya, ngayon sa ilalim ng non-contact apprehension, jeepney operators ang nananagot kapag nakuhaan sa CCTV camera ang driver na may violation.

Dahil ang yunit ng jeep ay nakapangalan sa jeepney operator natural na sa kanila bumabagsak ang sulat o bill ng violation mula sa Manila Traffic and Parking Bureau na pinamumunuan ni  Director Dennis Viaje.

Sa ilalim ng non-contact apprehension, ang unang violation ay may multang P2,000; sa 2nd violation ay P3,000; at ang 3rd violation ay P3,000.

Lahat iyon ay sa jeepney operator bumabagsak, at makaaapekto sa kanila kapag nag-renew ng linya o prankisa.

Ang isa pa sa ipinagtataka ng mga driver at operator, ang violation ay naka-capture sa iisang CCTV camera na na nakakabit sa isang traffic light na pinatay ang digital counter.

Bakit nga ba hindi na nakikita ang digital counter sa intersection kung saan marami ang nagaganap na violations?

Naimbestigahan na kaya ito ng MTPB?

Sa haba ng panahon na walang biyahe ang mga jeepney, dahil sa lockdown, bilang tugon sa pananalasa ng pandemyang CoVid-19, malaking kabigatan ang ipinapataw na multa sa non-contact apprehension.

Sumulat na umano ang mga driver at operators kay Yorme noon pang 19 Pebrero 2021, pero hanggang ngayon ay wala pang tugon sa kanilang liham.

Sa palagay natin ay hindi pa nakararating kay Yorme ang liham ng jeepney drivers & operators, kasi kung nakarating na sa kanya, hindi tayo naniniwala na hindi sila kakausapin ng masipag na alkalde.

May mga pagkakataon pa nga na pinupuntahan ni Yorme ang mga nais makaipag-dialogue sa kanya.

Yorme, baka naman po, mapagbigyan ninyo ang hiling na dialogue ng mga driver at operators nang sa gayon ay malutas naman ang kanilang mga pag-aalala lalo ngayong may pandemya.

 

PRUDENTIAL GUARANTEE
ASSURANCE, INC., PINASASAGOT
NG INSURANCE COMMISSION

Isang kabulabog natin ang naghihintay hanggang ngayon ng sagot ng Prudential Guarantee & Assurance Inc.

Katunayan, sinulatan na ng Insurance Commission ang nasabing insurance company kaugnay ng nangyari sa kanyang sasakyan pero hanggang ngayon hindi pa rin sila sumasagot.

Mr. ANTON G. SY
President & CEO
PRUDENTIAL GUARANTEE
AND ASSURANCE, INC.
Coyiuto House,
119 C. Palanca Jr. Street
Legaspi Village, Makati City 

SUBJECT:  Complaint of Mr. P – – – –

Dear Mr. Sy:

This has reference to the attached copy of the email dated 09 March 2021 with the enclosed letter-complaint of Mr. P – – – – against Prudential Guarantee and Assurance, Inc. (“Prudential Guarantee”).

Mr. P – – – – is complaining about the manner his claim is being handled by Prudential Guarantee.  He has also raised several issues concerning the repair of his unit which was damaged due to Typhoon Ulysses.  Hence, this appeal for assistance.

Kindly give Mr. P – – – -‘s complaint your preferential attention and update this Commission of the action your company has taken on the matter within five (5) working days from receipt hereof, copy furnished Mr. P – – – – .

Please be guided accordingly.

Very truly yours,
For the Insurance Commissioner:
MA. LOURDES L. RAMOS
Officer-in-Charge
Public Assistance and Mediation Division

Nakapagtataka kung bakit sumasagot ang insurance company gayong Insurance Commission na ang nag-uutos sa kanila.

Wala bang ‘asim’ ang Insurance Commission sa Prudential Guarantee and Assurance, Inc.?

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *