Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diether ‘di iniwan ang showbiz, abala sa pagpipiloto

ITINANGGI ni Diether Ocampo na iniwan niya ang showbiz.

Sa virtual mediacon ng Huwag Kang Mangamba, iginiit ng actor na hindi siya nawala sa showbiz.

Taong 2013 pa ang huling teleseryeng ginawa ng actor, ang Apoy Sa Dagat at sinabing naging abala lamang siya sa mga ilang bagay.

Kaya naman nagpapasalamat siya kina Deo Endrinal at Rondell Lindayag ng Dreamscape Entertainment sa pagkakasama sa kanya sa proyektong ito na pinagbibidahan ng Gold Squad.

Aniya, ”To be honest, hindi naman ako nawala. I was busy lang doing my own thing. Kasi sa mga katulad namin, we’re always busy trying to improve ourselves.

“In my case I’ve been doing some training, conditioning, mentally and of course, physically, most importantly in this challenging times lalo na may pandemic.”

Itinanggi rin ni Diet na naging mapili siya sa mga offer kaya minsan lang siya napapanood sa TV.

“No, to be honest, dito sa industriya natin, walang masamang tinapay. Minsan lang hindi nagtutugma sa schedule. Minsan naman hindi talaga akma ‘yung character na ibinibigay sa akin,” giit ng actor.

Tinanggap ni Diet ang Huwag Kang Mangamba dahil ukol ito sa pananampalataya.

Katwiran niya, ”A reminder for me (project) dahil when the story was revealed to me, roon ko na-realize na mayroon pa palang isang aspeto ng buhay ko na hindi ko nate-train, my faith.

“So, that’s why spiritually I have to renew my faith and do also some training for that kaya naging abala ako ro’n the whole time,” dagdag ng aktor.

Ang Huwag Kang Mangamba ay isang inspirational series tulad ng mga teleseryeng minahal ng mga Pinoy na nagbibigay pag-asa at damayan ang mga nangangambang puso. Kasama rito sina Seth Fedelin, Kyle Echarri, Francine Diaz, at Andrea Brillantes na mapapanood simula Marso 20 sa iWantTFC at Marso 22 naman sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, at Kapamilya Online Live.

Layunin ng seryeng ito na iparating sa mga manonood na hindi sila kailanman nag-iisa at sa iba-ibang paraan ipinakikita ni Bro ang pagmamahal Niya araw-araw.

Bukod sa HKM, abala si Diet sa ilang exhibit. Mayroon siyang ginawa sa Pinto Gallery sa Antipolo, Rizal. Abala rin siya sa kanyang flight school.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …