Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1st solo lead role ni Sanya pinuri, trending pa

ITO   na nga ang tamang pana­hon para kay Sanya Lopez.

Umaani ngayon ng papuri ang Kapuso actress dahil sa mahusay niyang pagganap bilang si Melody sa First Yaya ng GMA.

Pilot episode pa lamang noong Lunes ng nabanggit na teleserye ay marami na ang nagpahayag ng magandang komento at rebyu tungkol sa pag-atake ni Sanya sa kanyang very first solo lead role sa telebisyon.

Nagkakaisa ang marami sa pagsasabing nabigyan ng hustisya ni Sanya ang kanyang papel at hindi nagkamali ang GMA na sa kanya ipinagkaloob ang proyekto.

Bukod sa akting ni Sanya at ng buong cast, pinuri rin ng mga netizen ang pagkakalahad ng kuwento ng First Yaya kaya naman talagang tinutukan at pinag-usapan ng buong sambayanan ang world premiere ng pinakabagong GMA primetime series na First Yaya nitong Lunes (March 15) na tampok ang fresh and exciting team up nina Sanya at Gabby Concepcion bilang President Glenn.

Bumuhos ang positive feedback mula sa netizens na naantig ang puso sa kuwento ni Yaya Melody.

“Just watched First Yaya’s pilot episode. The storyline looks so promising! The characters are all relatable. I started losing it when Gemrose and  Melody played the “Ilong2x” game. Grabe na ‘yung iyak ko pilot episode pa lang! Already excited for tonight’s episode! #MeetTheFirstYaya”

Bukod dito ay nakamit ng serye ang third spot sa Philippine Twitter trends kagabi, nakapagtala rin ang First Yaya ng overnight NUTAM People rating na 23% mula sa tatlong channels (GMA-7, GMA Heart of Asia, at GTV) base sa data ng Nielsen Phils.

Huwag nang magpahuli sa pinakabagong kaaaliwan at kakikiligang kuwento ng First Yaya, weeknights, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …