Ang naturang pelikula ay passion project at bagong obra ni Direk Louie Ignacio. Ito’y mula sa istorya ni Direk Louie mismo at sa script ni Direk Ralston Jover.
“Magandang project ito, magandang comeback ito, kaya thankful ako. Siyempre rito ako galing, eh, talagang hinahanap ng katawan ko, hinahanap ng puso mo kung saan ka galing. Kaya big break ito para sa akin at sa ating bayan, kasi sa gitna ng pandemic ay may ganitong movie at may nagtitiyagang mag-produce ng pelikula.”
Dagdag pa niya, “Although siyempre, ito na rin ang pagkakataon ng mga producer, kasi halos lahat ng tao ay nasa bahay lang. And internet based na lahat ng mga tao halos… hindi makatulog, so ang gagawin nila ay manood na lang nang manood ng movie na kailangan talaga ay may mapagpilian sila. So, siguro ito yung way para maiba yung pananaw nila sa Filipino movies.”
Ang Abe-Nida ang hudyat sa pagbabalik ng BG Productions International ni Ms. Baby Go sa pagagawa ng pelikula na natigil dahil sa pandemic at nang nagkasakit ang kanyang mister.
Ano ang reaction niya na pulos magagaling ang kasama niya sa Abe-Nida?
Aniya, “Ay grabe, Allen Dizon, Katrina Halili, ang director ay si Direk Louie Ignacio. Tapos nandito rin sina Direk Joel Lamangan at Laurice Guillen. Grabe, hindi ko na alam, nakakatuwa. Pero siyempre, mga batikan iyan eh at ako’y kailangang alalayan pa rin nila. Kasi siyempre ay nagbabalik ako, so medyo nakalimutan ko na iyong ibang ginagawa sa showbiz. Pero siyempre ay nasa puso ko iyan.”
Lagi bang nasa puso niya ang showbiz kahit nasa public service na siya?
Tugon ni Mayor Ina, “Oo nasa puso iyan, nakaukit na sa puso mo, nasa dugo na eh, dumadaloy na sa dugo mo yung showbiz. Masarap yung ganitong pakiramdam, iyong nagbabalik ka na, ‘Uy, puwede pa pala ako kahit politiko na ako’. Siyempre iniisip ko na baka hindi na ako puwede, kasi ay politician na ako, baka hindi na nila tanggap.
ni Nonie Nicasio