NAGTALA ng pinakamaraming pasaway sa unang arangkada ng ipinatupad na Uniform Impelentation of Curfew Hours (UICH) ang nadakip sa Maynila.
Ayon kay NCRPO RD P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa ginawang assessment ng NCRPO sa unang arangkada ng UICH sa Metro Manila ay umabot sa 1,236 curfew violators ang nahuli.
Nabatid sa ipinadalang report kay Manila Police District director P/BGen. Leo Francisco ng National Capital Region Police (NCRPO), nabanggit na umabot sa 1,139 ang naaresto sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Danao, kanyang inatasan ang 8,341 pulis NCRPO bilang karagdagang deployment para magbantay laban sa curfew violators.
Nabatid na 547 curfew violators ang isasalang sa community service kung mabibigong makapagbayad ng multa.
Ilang presinto sa Maynila ang pinag-exercise ang mga naaresto at dinala sa holding area saka binigyan ng kaukulang kaalaman sa paglaban sa CoVid-19, bilang warning sa unang araw ng UICH.
(BRIAN BILASANO)