Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liofer ng Zamboanga del Sur, PBB Connect  Big Winner

 

ANG ‘Dong Diskarte ng Zamboanga del Sur’ na si Liofer Pinatacan ang ibinoto ng taumbayan na Big Winner ng Pinoy Big Brother Connect sa ginanap na kauna-unahang virtual Big Night noong Lingog ng gabi, (Marso 14).

Nakakuha si Liofer ng 20.90% na pinagsamang Kumu at text votes. Pumangalawa naman si Andrea Abaya, ang ‘Cheerdance Sweetheart ng Parañaque,’ na may 16.60%, habang third at fourth Big Placers naman sina Kobie Brown, ang ‘Charming Striker ng Parañaque,’ na may 3.36%, at  Jie-Ann Armero, ang ‘Kwelang Fan Girl ng Sarangani’ na umani ng 2.66%.

Emosyonal at speechless si Liofer matapos itanghal na Big Winner dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan sa loob ng Bahay ni Kuya na nanatili sa loob ng mahigit tatlong buwan na  hinamon silang magpakatotoo, magtiwala sa sarili, at kumonekta sa isa’t isa.

“Grabe. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat-lahat ng sumuporta sa akin dito,” anang bagong Big Winner, na ibinahagi rin noong Big Night na ang una niyang gagawin ay tulungan ang ina sakaling manalo.

Wagi ng bagong house and lot mula sa Phirst Park Homes at P-M mula sa Brilliant Skin Essentials ang Big Winner na si Liofer. Habang may cash prizes naman na matatanggap sina Andrea Abaya, Kobie Brown, at Jie-Ann Armero na P500,000, P300,000, at P200,000.

Naroon naman upang salubungin sa outside world si Liofer ang kapwa niyang Big Winners sa iba’t ibang edisyon ng PBB, kabilang sina Nene Tamayo, Bea Saw, Ruben Gonzaga, Ejay Falcon, Slater Young, Daniel Matsunaga, Jimboy Martin, at Yamyam Gucong.

Bukod sa pag-anunsiyo ng Big Winner ng season na ito,  trending din sa Twitter ang world-class performances ng BGYO, ang pagpapakilig ng KarJon at KaoRhys love teams, at ang muling pagsasama ng PBB Connect ex-housemates.

Nagpasaya rin sa viewers sina Charlie Dizon, Denize Castillo, Edward Barber, Francine Diaz, Heaven Peralejo, Jem Macatuno, Maris Racal, Michelle Vito, Nikki Valdez, Nikko Natividad, Pamu Pamorada, Ryan Bang, Tony Labrusca, Vivoree Esclito, Yves Flores, at Zeus Collins.

Samantala, marami pang dapat abangan ang fans ng PBB Connect mula sa kanilang housemates dahil inanunsiyo sa Big Night na magkakaroon ng sariling livestream ang lahat ng housemates sa Kumu upang patuloy na maghatid ng liwanag at ligaya.

Pinangunahan ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Enchong Dee, Maymay Entrata, at Richard Juan ang unang virtual Big Night ng  PBB Connect na sold out ang tickets sa KTX.ph. Mapupunta sa charity ang proceeds ng tickets.  (MVN)

[/highlight]

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …