Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
COVID-19 lockdown

53 pulis positibo sa covid-19 (MPD-PS 11 LOCKDOWN)

ISINAILALIM sa lockdown ang Manila Police District – Meisic Station (PS-11) nang magpositibo ang 53 pulis sa CoVid-19 mula sa 241 puwersa ng pulisya sa isinagawang swab test a Lungsod ng Maynila.

Sa personal na panayam kay MPD Director, P/BGen. Leo Francisco, sumalang sa swab test ang kanilang 241 pulis nitong 11 Marso, at 53 sa kanila ay positibo.

Nabatid na karami­han sa 53 positibo ay pawang asymptomatic, isa ang nakitaan ng mild symptoms at dalawa ang may severe symptoms na kasalukuyang inoobser­bahan sa pagamutan.

Dahil dito, agad ipinag-utos ni P/BGen. Francisco na isailalim sa disinfection ang MPD-PS 11 at mga sakop nitong  Police Community Precinct (PCP).

“Inatasan natin ang ating DDDO para personal na pangasiwaan ang kinakaharap na sitwasyon sa Station 11, sa ginawang pag-disinfect ay naglagay muna kami ng tent sa labas ng presinto habang isinasagawa ang disinfection.

Napag-alamang nasa quarantine facility ang lahat ng mga nagpo­sitibong pulis para hindi na sila makahawa sa iba pa.

Kaugnay nito, ayon kay Francisco, mula 3-14 Marso ay nasa 53 ang bilang ng mga pulis sa Station 11 na nagpositibo sa CoVid-19 pero kara­mihan sa kanila ay  maga­ling na at nakompleto ang quarantine period.

“Awa ng Diyos ay maayos na ang karamihan sa 53 PS-11 personnel,” aniya.

Nagpadala ng request ang pamunuan ng MPD sa lokal na pamahalaan upang sumailalim muli sa swab test ang mga pulis-Maynila partikular ang mga pulis sa Binondo.

Pahayag ni Francisco, mapipilitan silang isara ang MPD PS11 kung patuloy na tataas ang bilang ng magpopositibo sa CoVid-19, sa paghihintay ng resulta ng swab testing ng iba pang pulis sa lugar.

Isinasailalim na sa lockdown ang MPD PS11 kaya hindi na nagpapasok sa loob at pinapupunta muna ang publiko sa Gandara PCP at Juan Luna PCP na sakop rin ng naturang presinto.

Habang lockdown, maaari umanong dumulog sa MPD HQ General Assignment and Investigation Section (GAIS), Gandara PCP at Juan Luna PCP ang mga mangangailangan ng tulong ng pulisya.

Habang isinusulat ang balita, nabatid mula sa hepe ng MPD-PS11, sa 241 bilang ng miyembro ng MPD PS11 ay 53 ang pinakahuling datos ng nagpositibo.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Black smoke

Maingay, maamoy
SUSPENSIYON VS PERMIT NG TIME CERAMIC HILING NG MGA RESIDENTE

SAN PASCUAL, Batangas — Nanawagan ang mga residente ng Brgy. San Teodoro laban sa Time …

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …

BARMM BTA BEC rally protest

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao …