Friday , November 15 2024

SJDM ‘landmark’ sa Kaypian Road, binabatikos

KUNG ang mga local government units sa Metro Manila at iba pang lalawigan sa parteng south at norte ay problemado sa pondong inilalaan sa CoVid pandemic sa ating bansa, gaya ng pagkakaloob ng SAP, ayuda, ibang paraan para makatulong, ibang klase ang City of San Jose del Monte, Bulacan.

Abala ang administrasyon ni Mayor Arthur Robes sa pagpapatayo ng konkretong ‘landmark’ kuno sa Kaypian Road. Talagang ginastusan ito ng lokal na pamahalaang kaya lang tingnan n’yo ang nakasulat. I LOVE (hugis puso) AR (Arthur Robes o Arthur Rida) SJDM. Kung papansinin imbes I Love SJDM, mas malaki ang letrang AR.

Tanong ng mga taga-SJDM, pondo ba ito ng lokal? O sa bulsa ni Meyor? Kung pondo ng lokal na pamahalaan, dapat itong busisiin ng Commission on Audit (COA). Nagagamit sa personal na interes ang pondo ng siyudad.

Tanong pa ng mga San Joseño, dumaan ba ito sa Public hearing o may konsultasyon ba sa taong bayan ng SJDM?

Bakit sa Kaypian Road inilagay gayong isang tagong lugar ang pinaglagyan? Dahil ba marami pang malalawak na lote na puwedeng makahimok sa mga investors?

Ang pinagtayuan ng nasabing landmark ng SJDM ay mula sa gusali ng Starmall na pag-aari ng mga Villar, at mula sa Starmall ay malapit na rin sa itinatayong MRT sa Tungkong Mangga, SJDM.

Tanong ng marami, bakit nakatago at hindi lantad? Maging sa mga poste ng Meralco ay may nakasulat na AR, at take note, suwerte ng mga walang bakod, pagsapit mo sa kahabaan ng Dulong Bayan patungo ng Sapang Palay, libre ng konkretong pader ang mga residente na ginastusan ng kasalukuyang administrasyon ni Robes at kitang-kita na nakasulat ay AR.

Libre na ang kampanya dahil malapit na ang eleksiyon, bawal ang pagpapaskil ng anomang leaflets ng kandidato… Si Meyor Robes nakapintura na ang inisyal na pangalan na AR.

‘Di ba dapat ang landmark ay doon itinatayo papasok sa SJDM mula sa Maynila o QC, o ‘yung galing ng Norte, pero bakit sa tagong lugar?

Isang malaking katanungan sa taong bayan ng SJDM, dapat busisiin ito ng COA.

Sino-sino ang nakinabang?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *