Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Scammer alyas Messy ratsada sa panggagantso

KAHIT panahon ng pandemya, hindi tumitigil sa panggagantso ang isang alyas Messy na nag-aanyong isang mahusay na negosyante.

Si alyas Messy ay puwede nang ilagay sa ‘Guinness World Records’ dahil sa kahusayan niyang magpanggap na isang mahusay na businesswoman pero sa likod pala nito ay may maitim na layuning makapanggoyo ng mga taong masikhay na nagtatrabaho para kumita nang parehas.

Sa katunayan, dalawang biktima na naman ni alyas Messy ang lumapit sa inyong likod at gaya ng kanyang mga naunang nabiktima hindi lang hundred thousands kundi milyones ang nadidal ng babaeng ito.

Kung tutuusin lahat ang nakulimbat sa kanyang ‘investment scam cum beauty products’ ay hindi lang milyones kundi aabutin nang halos P2 bilyon ang nagantso nitong si alyas Messy.

Kaya para po sa mga nagnanais mag-invest sa iba’t ibang linya ng negosyo, mag-ingat po kayo kasi baka ‘masabat’ kayo ng babaeng ito.

Malakas kasing magpanggap na mabuting tao at magtitiwala naman agad ang bibiktimahin dahil kung umasta’y parang maka-Diyos.

Pasintabi po sa mga tunay na deboto, ginagamit ng scammer na si alyas Messy ang pagiging paladasalin umano niya sa Mahal na Birhen at kay Santo Padre Pio.

Pero mukhang ang kanyang debosyon ay pakitang-tao lamang para lalong makapanloko ng mga tao.

Aalukin niya ang kanyang bibiktimahin ng 50-50 profit sharing. Ipapakita pa niya sa kuwentada kung paano kikita sa cosmetics and beauty products na iniaalok at ipinanloloko niya.

Mabilis lang daw ang return on investment (ROI) bukod pa sa 50-50 ang profit sharing. E ‘di siyempre mararahuyo naman ang biktima kasi nga may ipinakikita pang kuwentada.

Pero drawing lang pala ang nasabing kuwentada kasi kapag nagbigay ka ng puhunan, maghabol ka na sa tambol mayor dahil ipinakong pangako na ang haharap sa inyo.

Tsk tsk tsk…

Sa katunayan, marami nang asuntong kinakaharap si alyas Messy sa Metro Manila — patong patong na kaso. Pero dahil sa limpak-limpak na perang nagantso niya sa kanyang mga biktima kayang-kaya niyang ‘umupa’  ng abogadong de campana (hindi de campanilla).

Siyempre, ang payo ni ‘attorney de campana’ kaysa ibalik ang pera ng mga biktima, i-hire na lang siya.

Pero sabi ng mga compañero ni ‘attorney de campana’ malakas lang daw manuhol sa ilang tiwaling fiscal at ilang tiwaling hukom (may natitira pa pala), kaya nakalulusot ang kliyente niyang multi-billion scammer.

Paging Justice Secretary Menardo Guevarra and Chief Justice Diosdao Peralta, pakiimbestigahan lang po si ‘attorney de campana’ kung karapat-dapat pa ba siya sa “Roll of Attorneys.”

Kaya babala lang po, mag-ingat po kayo at baka madagit kayo ni alyas Messy.

Hangga’t hindi nakukulong ‘yan ‘e marami pang mabibiktima.

Pero ang dapat tandaan ni alyas Messy at ng kanyang ‘attorney de campana’ — puwedeng makalusot kayo ngayon pero hindi sa habang panahon.

What goes around comes around — 241 mbps ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *