Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, level-up ang acting career sa pelikulang Revirginized

HINDI na dapat pag-usapan kung gaano kagaling at ka-prolific si Marion Aunor pagdating sa musika. Marami na siyang hit songs bilang singer, at pati na rin as a composer ay gumawa na siya ng sariling tatak.

Sadyang malayo na ang narating ni Marion mula nang nanalo siya via Himig Handog Pinoy Pop Love Song Writing Competition ng ABS CBN, nang ang sariling komposisyon na If You Ever Change Your Mind ay nakakopo ng 3rd place sa naturang event.

Mula roon ay sunod-sunod ang nagawa niyang kanta, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para sa ibang artists din.

Gumawa rin si Marion ng mga kantang ginamit sa theme song sa pelikula at TV series, kaya binansagan siyang theme song princess.

Pero tila mula sa pagiging mahusay na singer/songwriter ay tatawid na rin siya sa larangan ng pag-arte. Bahagi kasi si Marion ng pelikulang  Revirginized na tinatampukan ni Sharon Cuneta.

Ang naturang pelikula ang comeback movie ng Megastar sa ilalim ng Viva Films.

Ibinida ni Marion sa kanyang Facebook account na isa si Sharon sa pinaka­mabait na nakilala niya.

Aniya, “So happy I finally got to meet Ms. @reallysharoncuneta   From writing the song “Lantern” for her Megastar album back in 2018 to now being a part of the cast for her upcoming movie “Revirginized”   One of the kindest people I’ve ever met.”

Pahayag ng magaling na singer/songwriter nang aming makahuntahan, “I’m very happy na nabigyan po ako nila Boss Vic (del Rosario) ng ganitong break. The movie was directed by Direk Darryl Yap.

“I really admire both Ms. Sharon and Direk Darryl Yap kaya tuwang-tuwa po ako nang nalaman kong maka­kasama ako sa movie nila.”

Ito na bale ang third movie ng talented na panga­nay ni Ms. Maribel Aunor. Matatan­daan na ang unang pelikulang ginawa ni Marion ay ang Tibak ni Direk Arlyn Dela Cruz, na tinampukan ni Jak Roberto. Sumunod ay ang Togs ni Direk Njel de Mesa na pinagbibidahan nina Marion at Gerald Santos.

Saad ni Marion, “Di ba nagka-indie movie na ako rati kay Direk Arlyn (Dela Cruz)? Then, ‘yung second movie ko po is Togs, pero this time, lead na po ako. Parang Rom-Com siya ng mga musician.”

Anyway, sa pelikulang Revirginized ay gagampanan ni Sharon ang papel ni Carmela, isang babaeng at the age of 16 ay nagkaroon na agad ng anak kaya hindi na-enjoy ang buhay-dalaga.

Anong klaseng experience na makatrabaho niya sa pelikula ang Megastar?

Pahayag ni Marion, “Matagal ko na rin pong gustong ma-meet si Ms. Sharon, since I wrote her song “Lantern” noong 2018 para sa kanyang Megastar album. So ang saya lang na through this movie pa kami finally nag-meet.”

Puring-puri rin ni Marion ang kabaitan ng Megastar.

“Nakasama po namin siya in most of the scenes. Sobrang humble, sweet, and kind niya.

“Mahilig po siyang magkuwento about her life and pinapagaan niya talaga iyong mood sa set. Kaya parang nagiging mas comfortable and at ease kami working with her,” masayang sambit ni Marion.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …