BAHAGI na pala ng Toktok sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Noong March 3 kasabay ng pagpirma ng kontrata ng KathNiel, inihayag din ang pagiging brand ambassador ng dalawa.
Kasama na sila sa pamilya ng Toktok tulad nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Sa pagpasok ng KathNiel kasama sina Alden at Maine, lalong lalawak ang ukol sa Toktok services at maka-e-encourage sa mga supporter nila na mag-download at gamitin ang delivery service app sa mga personal at business deliveries.
Ang delivery service ay nag-o-operate na noon pa mang magsimula ang pandemic sa pamamagitan ng pagde-deliver ng sister company nitong JC, Siomai King, at CopperMask. Ang app ay inilunsad noong December 2020 at sa ngayon ay mayroon na itong 200,000 app users across Luzon at 40,000 active riders.
Hindi lamang nakapagbibigay ng delivery servie ang gawang Pinoy para sa Pinoy app kundi nakapagbibigay din ito ng maraming pagkakataon sa mga Pinoy na maka-ipon ng tama para sa mga pangangailangan. Kahit sino ay maaaring maging online franchisee, operator o rider.
Pinalalawak pa ng Toktok ang kanilang serbisyo hanggang Visayas at Mindanao at kasalukuyang tumatanggap ng mga application para sa online franchisee, operators, at riders.
Para sa ibang katanungan, bisitahin ang kanilang official website www.toktok.ph o ang kanilang Facebook, Instagram, at Youtube channel.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio