TUNGKOL pa rin sa mental health, hindi naman nakaranas ng depresyon o anxiety si Barbie Forteza sa kabila ng hindi magandang sitwasyon ng buong mundo ngayon na sanhi nga ng pandemya.
“I try to take it one day at a time and deal with the current situation as much as I can without overwhelming myself.
“I surround myself with the people who care about me and we try to help each other get through the day.”
May maipapayo rin si Barbie sa mga katulad niyang millennials para mapangalagaan ang kanilang mental and physical health.
“Always know that you are not alone. Always get something done everyday.
“Make each day count. Just be thankful for all the blessings you’ve been getting and don’t take it for granted.”
Paano niya ide-describe ang naging buong journey niya sa Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday?
“It was challenging but thankfully I’m with the best team.
“We handled the new normal taping pretty smoothly,” sinabi pa ni Barbie.
Ano ang greatest lesson learned ni Barbie mula sa pandemic na dulot ng COVID-19?
“I learned to be more practical and to think long term.
“I learned to save for the future and to value each moment with my loved ones.”
Samantala, marami naman ang humahanga sa magandang relasyon nina Barbie at boyfriend niyang si Jak Roberto. Napag-uusapan na ba nila ni Jak ang tungkol sa kasal?
“Well nothing’s final but we speak about it from time to time and we both agreed that we would save and prepare for it financially first before we really start planning.”
Bida sina Barbie (bilang Ginalyn) at Kate Valdez (bilang Caitlyn) sa Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday na pinagbibidahan din nina Snooky Serna (bilang Amy) at Dina Bonnevie (bilang Sussie), kasama rin dito sina Jay Manalo (bilang Joaquin), Migo Adecer (bilang Cocoy) at marami pang iba.
Ang Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday ay idinirehe ni Mark Sicat dela Cruz at finale na nito ngayong Biyernes ng gabi.
Rated R
ni Rommel Gonzales