Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

4 tulak arestado sa buy bust sa Vale

APAT katao na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang dinakip kabilang ang isang ginang sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Ayon kay P/Cpl. Christopher Quiao, dakong 10:10 am nang unang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna P/Lt. Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta na nagresulta sa pagkakaaresto kay David Flores, 21 anyos.

Nakompiska kay Flores ang nasa tatlong gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, P500 buy bust money, at P100 bill.

Dakong 9:00 pm nang maaresto rin ng kabilang team ng SDEU si Julleta Francisco, 51 anyos, sa buy -bust operation sa kanyang bahay sa Que Grande St. Brgy. Ugong.

Ayon sa ulat ni SDEU P/SMSgt. Fortunato Candido, narekober kay Francisco ang nasa tatlong gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P20,400 ang halaga, P500 buy bust money, P150 cash at cellphone.

Nauna rito, dakong 5:30 pm nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU si Elesio Francisco, 35 anyos, sa buy bust operation sa kanyang bahay sa Bakawan, Dulong Tangke, Brgy. Malinta, at nakuha sa kanya ang nasa anim gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P40,800 ang halaga, P500 buy bust money, P500 cash, cellphone, at coin purse.

Sa Brgy. Gen. Te de Leon, nasakote rin ng team ng SDEU si Juan Carlos Custuna, 27 anyos, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu si P/Cpl. Dario Dehitta na nagpanggap na buyer sa buy bust operation dakong 12:45 am.

Nasamsam kay Custuna ang nasa tatlong gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, tatlong gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana (with fruiting tops) na nasa P360 ang halaga, buy bust money, P280 cash, cellphone at lacoste pouch.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *