Monday , December 23 2024

Serye-exclusive: Ex-DA Usec, endorser ng DV Boer Farm Inc AFP generals, BFF ni Villamin

ni ROSE NOVENARIO

MISTULANG nama­lengke ng kanyang mga koneksiyon sa tatlong sangay ng pamahalaan at sa media si Soliman Vilamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin para isulong ang mga programa ng kanyang DV Boer Farm Inc., at mahikayat ang mga Pinoy, lalo ang overseas Filipino workers (OFWs), na maglagak ng bilyon-bilyong pisong puhunan.

Sinakyan ni Villamin ang ‘Duterte mania’ sa sector ng OFWs mula noong 2016 para himukin silang maglagak ng bilyones sa kanyang investment scheme, partikular sa “Paiwi Program.”

Paliwanag ni Villamin kaugnay sa Paiwi Program, ang mga Pinoy kahit walang lupa at wala sa Filipinas ay bibili ng animals sa kanilang farm, sila na ang mag-aalaga at kapag siya ay nanganak gaya sa kambing ay bibigyan ang investor ng P3,000 sa bawat anak ng kambing.

May kalakip aniyang insurance kaya ang mga animal, kapag namatay ay papalitan ng farm, sasagutin din ng investor ang cost ng production at cost ng set-up sa mga farm kaya’t aabot hanggang P320,000 ang magagastos para sa paiwi ng kambing at may kikitaing malaki bilang return on investment (ROI) matapos ang tatlong buwan.

Sa matamis na pananalita at grandiosong paglulunsad ni Villamin ng 1st Paiwi Partners Convention at launching ng Magsasaka, Inc., noong Abril 2018 sa Lian, Batangas na ipinalabas sa Bagong Pilipinas program sa People’s Television (PTV), lalong nahikayat ang mga OFW na ipagkatiwala sa DV Boer at Subfarm ang kanilang pinaghirapang pera.

Sa nasabing pagtiti­pon, panauhing pan­dangal si Senate Committee on Agriculture Senator Cynthia Villar habang naroon din si noo’y Department of Agriculture Undersecretary for Special Concerns Ranibai Dilangalen.

“Maganda po ang kanilang adhikain at makikita natin na maganda ang ating partnership, na puwede natin silang tulungan at puwede rin nilang tulungan ang Department of Agriculture sa implementasyon ng ating mga programa at at proyekto sa Department of Agriculture,” ani Dilangalen sa panayam ng PTV sa nasabing okasyon.

“Sana po ay tuluran natin ang inisytaibo ng Magsasaka, Inc., na tinutulungan ang ating maliliit na magsasaka  na i-organize , i-capacitate , at ma-empower. We really have to support our farmers para po sa ikauunlad ng ating ekonomiya at ng bansang Filipinas,” dagdag niya.

Sinubukan ng HATAW D’yaryo ng Bayan na kunin ang panig ni Villar ngunit hanggang sa isinusulat ang artikulong ito’y walang tugon ang senadora kung ano ang naging kaugnayan niya kay Villamin na nahaharap sa mga reklamo at kasong syndicated estafa dahil sa pagkabigong ibalik ang puhunan ng kanyang investors o ibigay ang ROI.

Habang hinihintay ng Hataw ang sagot ng DA kaugnay sa pag-endoso ni Dilangalen sa proyekto ni Villamn at kung ano ang maitutulong ng kagawaran sa naging biktima ng multi-bilyong pisong investment scam.

Hindi lamang matataas na opisyal ng pamahalaan ang nakakiskisang-siko ni Villamin, namayagpag din siya sa hanay ng mga unipormado.

Matutunghayan sa Facebook page ng DV Boer Farm Agricultural Resort noong 9 Hulyo 2020 ang larawan ni Villamin na nagpresenta ng aklat na may titulong Agrikultura at Kasaysayan kay noo’y Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of Staff Gen. Filemon Santos.

Nang araw ding iyon ay nagbigay ng ‘small souvenir’ si Villamin kay AFP-Civil Relations Service chief Maj. Gen. Ernesto Torres.

Kung real-time ang naturang FB post ni Villamin, kapansin-pansin na wala silang suot na face mask o face shield nina Santos at Torres kahit ipinaiiral sa bansa ang mahigpit na health protocols para maiwasan mag­kaha­waan ng CoVid-19.

(May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *