Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang riding in tandem sa checkpoint kamakalawa ng hatinggabi sa lungsod.
Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Danilo P Macerin ang nadakip na sina Victor Alferez, 20 anyos, drayber ng motorsiklo, residente ng No. 52 Mangga St., Brgy. 178, Camarin, Caloocan City, angkas na si Hammad Khaled Husni Hammad, 33, nakatira sa No. 188 Lansones St., Brgy. 178, Camarin, Caloocan City.
Ayon kay Pasong Putik Poice Station 6 commander PLTCOL Eleazar Barber Jr, dakong 12:30 ng hatinggabi nang magsagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa Sampaguita St., Brgy. Pasong Putik, Q.C.
Pinatabi inara ang mga suspek na sakay ng SYM motorcycle dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.
Nang siyasatin ang mga suspek nakuha sa dalawa ang isang Señorita Caliber .38 at Armscor Caliber .38.
Nakuhanan din ng isang plastic sachet ng shabu ang dalawa.
Nakapiit na ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002″ at violation ng R.A. 10951 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Pinapurihan naman ni Macerin ang kanyang mga tauhan sa patuloy na pagsasagawa ng anti-criminalty campaign para maging ligtas sa mga kriminal ang mga residente ng Quezon City. (A. Danguilan)