Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gari Escobar, sumuporta sa Gift Giving and Feeding project ng TEAM

HINDi kami nagdalawang salita sa masipag na singer/songwriter/businessman na si Gari Escobar nang humingi ng alalay sa kanya ang grupo naming TEAM o The Entertainment Arts & Media para sa aming Feeding and Gift Giving project.

Ang Reception and Study Center for Children (RSCC) at Golden Reception and Action Center (GRACES), both located sa Bago Bantay, Quezon City ang beneficiary ng naturang proyekto.

Dapat ay nakatakda ang project na ito sa April this year, ngunit dahil sa nagiging mahigpit na naman ngayon, napagpasyahan ng TEAM na gawin ang aming Feeding and Gift Giving project sa Mayo.

Anyway, agad tumugon sa aming liham si Gari at nangakong magbibigay ng apat na sakong bigas, kaya labis ang pasasalamat ng TEAM sa kanyang pagiging laging supportive sa aming grupo.

Saad ni Gari, “Naghahanap po talaga ako ng mga ganyang projects dahil kailangan po iyan ng mga tao ngayon.”

Dagdag niya, “Nang na-invite n’yo ako sa New Year party ng TEAM, natutuwa ako sa inyo dahil very approachable lahat, kaya hindi ako na-out of place.”

Nalaman din namin kay Gari na may mga charitable institutions din siyang tinutulungan. “Mayroon po, iba-iba po kuya, walang specific para maikot ko silang lahat.”

Seryosong esplika ni Gari, “Utos po ito ng Diyos.”

Incidentally, ang virtual concert ni Gari ay na-postpone muna indefinitely dahil sa technical problems. Balak ni Gari na gawing title rito ay Concert for a Cause or Alay sa Frontliners.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …