Saturday , December 21 2024

Serye-Exclusive: Non-disclosure agreement ‘kumot’ sa multi-billion peso grand investment scam

ni Rose Novenario

NAGSIMULANG sumikat ang terminong non-disclosure agreement (NDA) sa bansa sa mga ulat kaugnay sa nego­sasyon ng adminitrasyong Duterte sa mga pharmaceutical company para makabili ng bakuna kontra CoVid-19.

Ang NDA ang itinurong dahilan kaya naantala ang pagdating ng CoVid-19 vaccine sa Filipinas at nakapaloob dito ang hindi pagsasapubliko ng presyo ng bakuna.

At dito tila nakakita ng magandang oportunidad si Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm International Corporation para magamit na proteksiyon ang NDA sa pagdagsa ng mga reklamo at kaso laban sa kanyang multi-bilyong pisong investment scam.

Noong nakaraang Pebrero ay nakatanggap ng mensahe sa kanilang e-mail ang mga investor ni Villamin na nagsasaad na kailangan nilang lumagda sa NDA na nagsasabing hindi nila puwedeng ibahagi sa iba ang mga detalye ng kontratang nilagdaan ng DV Boer at Paiwi partner/s.

Ginawa ito ng DV Boer matapos sampahan ng mga kaso sa korte at mga reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) nang mabigong ibalik ang puhunan ng investors o ibigay ang ipinangakong return on investment (ROI) particular sa Paiwi program nito na pag-aalaga ng hayop sa mga farm.

Maraming mga biktima ni Villamin ang lalong nagalit sa isinusubo sa kanilang NDA lalo nang mabasa ang kanyang Facebook post kamakailan na nag-aanunsiyo kaugnay sa umano’y business seminar na gaganapin sa Sabado, 13 Marso 2021, sa Crowne Plaza Galleria Manila Hotel mula 9:00 nam hanggang 3:00 pm.

“Please note that the seminar is for the partners of the following farm only:

DV BOER FARM

A & J

Rancho Martin

JPC

El rancho delos Ben

Microfinance

Please bring a signed copy of NDA or you may sign at our registration booth in the event. Also bring signed Paiwi contract and other relevant documents.

Lalong nagduda ang mga biktima sa FB post ng DV Boer dahil walang Crowne Plaza Galleria Manila Hotel kundi Crowne Plaza Manila Galleria sa Ortigas Center, Quezon City.

Nang tumawag ang isang biktima ng DV Boer sa Crowne Plaza Manila Galleria, nabistong walang booked event sa 13 Marso ang kompanya ni Soliman.

Kahit nahaharap sa mga legal battle, pinipilit palabasin ni Villamin na wala siyang ginagawang ilegal at ang maraming ‘parangal’ at partnership niya sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, business group, politiko, at media ang kanyang kalasag sa panlilinlang sa libo-libong Filipino sa loob at labas ng bansa.

Bakit nga ba matatakot si Villamin kung mismong sa Facebook post ni Sen. Cynthia Villar noong 11 Abril 2018 ay nakalagay ang mga larawan na sila’y magkasama at naging panauhing pandangal sa kanyang Paiwi Partners Convention at paglulunsad ng Magsasaka, Inc., maging sina Bureau of Animal Director Romy Domingo, Ilocos Sur 1st District Rep. DV Savellano, Agriculture Undersecretary for Special Concerns Ranibai Dilangalen?

Sa mga larawan sa FB post ng DV Boer noong 21 Setyembre 2017, ipinagmalaki na dinalaw sila ni Davao City Mayor Sara Duterte nang lumahok ang kompanya ni Villamin sa Davao Agri Trade.

(May karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *