Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa isyu ng P10K Ayuda Bill, Kamara ano na?

HANGGANG ngayon hindi pa kumikilos ang liderato ng Kamara upang aksiyonan ang Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program o P10k Ayuda Bill na magbibigay ng kahit kaunting kagaanan sa ating mga kababayan na patuloy na dumaranas ng kahirapan dahil sa pandemyang CoVid-19.

Nitong 1 Pebrero 2021 pa inihain sa Kamara ng Alyansang Balik sa Tamang Serbisyo na pinangungunahan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Batangas Rep. Raneo Abu, Laguna Rep. Dan Fernandez, Bulacan Rep. Jonathan “Kuya” Sy-Alvarado, ANAKALUSUGAN Partylist Rep. Mike Defensor kasama si Taguig Congw. Lani Cayetano ngunit hanggang ngayon ni isang pagdinig ay hindi pa rin ginagawa sa panukala.

Ini-refer umano ito sa House Committee on Social Services imbes sa House Committee on Appropriations.

Ang panukalang ito ay sinabing magbibigay ng P1,500 sa bawat miyembro ng pamilya o P10k sa bawat pamilya (alin man ang mas mataas) bilang tulong sa mga pamilyang Filipino na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin dahil sa pahirap na CoVid-19. 

Kasama sa mga benepisaryo nito ang matatandang mamamayan, mga taong may kapansanan, solong magulang, mga manggagawang nawalan ng trabaho, medical frontliners, pamilya ng OFWs, mga indibidwal na hindi nakakuha ng tulong sa pamamagitan ng Social Amelioration Program, may mga Philippine National ID, at mga miyembro ng vulnerable sector.

Bakit tila hindi ramdam ng Kamara ang pangangailangan para sa P10k ayuda? Sana ay maisip ng mga mambabatas na milya-milya pa ang hahabulin natin para mabakunahan ang mayorya ng ating mga kababayan. Kauumpisa pa lang natin magbakuna at patingi-tingi pa ang mababakunahan sa ngayon dahil kulang na kulang ang supply ng CoVid-19 vaccine sa gitna ng mataas na demand para rito ng buong mundo.

Mukhang hindi updated ang ating mga kongresista sa mga balita ngayon? Hindi kaya nila napapansin na ilang araw nang sumisirit hanggang 3,500 ang mga nahahawa ng CoVid-19 kada araw.

Sinasabi ng ilang eksperto na tila ito na ang second wave ng CoVid-19 sa bansa dahil nag-uumpisa nang rumagasa ang hawaan ng UK at African variants ng CoVid-19 sa bansa.

Si Cayetano mismo ang nagsabi, sana ay huwag politikahin ang paghahain nila ng P10K ayuda dahil hindi dapat hinahaluan ng pamomolitika ang pagtugon sa gutom at pagkalam ng sikmura ng marami sa ating kababayan.

Sa katunayan, hinamon ng dating speaker at ng iba pang may akda ng House Bill 8597 o P10k ayuda ang liderato ng Kamara na i-adopt ang naturang panukala at alisin ang kanilang mga pangalan bilang may akda nito kapalit ng pagtalakay sa naturang panukalang batas.

Kung tutuusin, hindi mahihirapan maghanap ang gobyerno ng pera para pondohan ang P10k Ayuda Bill dahil ayon mismo kay Cayetano ito ay magmumula sa unutilized funds ng Bayanihan 2 at mula sa 2021 National Budget. Kailangan lang talagang aksiyonan ito ng Kamara sa lalong madaling panahon.

Inaasahan ng health experts, sa kabila ng pagbabakuna ay mas tumindi ang epekto ng CoVid-19 sa bansa dahil sa UK at African variants. Ito na ang tamang panahon para pagulungin nang mabilis ang ano mang maaaring dagdag-tulong para sa ating mga kababayan.

Huwag na nating hintayin na lumala pa ang sitwasyon dahil kumakalat na naman nang mabilis ang CoVid-19.

Totoo yata ang kasabihan na mahirap gisingin ang nagtutulog- tulugan dahil mas inuna pang ipasa ng Kamara ang panukalang batas na magtatanggal ng billboards sa panahon ng bagyo kaysa P10k ayuda bill na kailangang-kailangan ng mga Filipino.

MamSer, baka naman?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *