Wednesday , April 16 2025
Drinking Alcohol Inuman

Lolong obrero ginulpi ng katrabaho

BUGBOG-SARADO ang mukha ng isang lolong obrero makaraang gulpihin ng kanyang kasamahan sa construction site matapos mag-inuman sa Malabon City, kahapon madaling araw.

Ginamot sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang kinilalang si Antonio Las Piñas, 61 anyos, residente sa Lot 2, Block 32 Gabriel Subdivision D2, Brgy. Hulong Duhat ng nasabing lungsod sanhi ng mga pasa at bukol sa mukha.

Kinilala ni P/Maj. Patrick Alvarado, hepe ng Station 7 Malabon Police, ang suspek na kasama sa bahay ng biktima na si Roland Guita, 35 anyos, nahuli ng mga barangay tanod na sina Nicanor Mission at Noel dela Cruz, na agad nagresponde nang mabatid ang pangyayari.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Mardelio Osting, may hawak ng kaso, dakong 12:00 hatinggabi, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa loob ng kanilang tirahan sa nasabing lugar.

Ilang minuto pa ay naubos na ang kanilang iniinom  nang bigla umanong hablutin ang nakahigang si Lolo Antonio sabay pinaulanan ng suntok sa mukha dahilan upang mapuno ng pasa.

Pinaghinalaan ng suspek na ang lolong obrero nagsisipsip sa kanilang kapatas.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *