Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karl Aquino, saludo sa mga kasama sa Silab

ANG Clique V member na si Karl Aquino ay mapapanood sa pelikulang Silab na tinatampukan nina Cloe Barreto, Marco Gomez, at Jason Abalos. Ito’y mula sa pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan at sa panulat ni Raquel Villavicencio

Ipinahayag ni Karl na maganda ang Silab at hindi ito pangkaraniwang pelikula.

Aniya, “Sobrang dark ng movie, iyon lang ang masasabi ko. Mas maganda kasi na mapanood ito ng moviegoers, kasi maganda iyong movie at hindi pang­karaniwan.”

Ano ang masasabi niya sa mga katra­baho rito like Jason? Plus si Cloe na ang daming pumupuri sa galing sa pelikulang ito?

Saad ni Karl, “Ang bait ni Jason Abalos, parang hindi artista ‘yung kasama ko, kasi hindi siya maarte. Actually, lahat sila mababait at approachable. Sana maka­trabaho ko po ulit silang lahat.

“Kay Cloe, actually hindi ko gaanong nakita ‘yung pag-arte niya rito, kasi ilang scenes lang ako at madalas nasa holding area lang. Pero may mga nakita akong clips na interesting kaya gusto kong mapanood itong movie, kasi nga sabi nila na magaling si Cloe sa pelikula niya.”

Ayon sa aktor na naging bahagi ng Starstruck Season 7, masaya siya para kina Sean de Guzman, Cloe, at Marco na mga kapatid niya sa 3:16 Events & Talent Management owned by Ms. Len Carrillo, dahil maganda ang takbo ng kanilang showbiz career.

“Siyempre ay nakatutuwa na bumibida na sila sa mga pelikula at makatrabaho ko sila,” sambit ni Karl na nabanggit din na wish niyang maging tuloy-tuloy na ang pagsabak niya sa pelikula.

Ang Silab ay under ng 3:16 Media Network at tampok din dito sina Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …