Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbie inisnab ang acting ni Maricel

HINDI pinanood ni Barbie ang orihinal na pelikulang Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday na tampok sina Maricel Soriano at Snooky Serna noong 1984.

“Hindi, actually wala yata sa aming nakapanood, kahit ‘yung direktor namin, pero parang desisyon na rin ng lahat na huwag mapanood dahil hindi rin namin talaga totally…hindi namin talaga pinareho.”

“Re-imagined version” ang tawag ni Barbie sa kanilang seryeng Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday na magtatapos na ngayong linggo.

Ang papel ni Barbie ay role noon ni Maricel sa pelikula.

“Pero siyempre wala naman pong makatatalo sa nag-iisang Maricel Soriano, so huwag na po nating i-achieve. Huwag na nating subukan pang i-achieve ‘di ba? 

“Ginawan na lang natin ng panibago.”

Kuwento pa ni Barbie, ”Tinimpla namin ni Direk Mark na kahit paano nandoon pa rin ‘yung touch of Ms. Maricel Soriano, especially iyon nga po ‘yung tinake-up kong role, so kahit paano kahit ba mas nilagyan namin ng drama na formula ‘yung show, nandoon pa rin ‘yung vibe.

“And since primetime siya gusto namin na matulog ‘yung mga tao na masaya, hindi naman ‘yung mabigat na mabigat.”

Si Mark Sicat dela Cruz ang direktor ng kanilang GMA show.

Samantala, dahil paboritong target ng mga basher ang mga artista, tinanong naman namin si Barbie kung paano niya hina-handle ang mga basher sa social media.

“Wala, deadma!”

Hindi siya sumasagot o pumapatol sa mga basher.

Never kong na-experience na sumagot ako sa bashers.

“Kasi hahaba, eh. Tapos baka isipin ng ibang bashers, baka magselos sila na ‘yung isa pinansin ko ‘yung isa hindi.

“So baka mas dumami ‘yung bashers ko kaysa fans,” at tumawa ang aktres.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …