Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

NBI clearance tinanggal sa rekesitos para sa LTOPF

HINDI natin maintindihan kung saan nanggagaling ang ‘super power’ ni Chief PNP, Gen. Debold Sinas para tahasang ‘bastusin’ ang kapangyarihan ng Kongreso.

Mantakin ba naman ninyong gumawa ng resolusyon para amyendahan umano ang Section 4 ng 2018 Revised Implementing Rules and Regulations of Republic Act No 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Ang kanyang resolusyon ay simpleng-simple lang naman — tanggalin ang NBI Clearance bilang isa sa mga requirements para makakuha ng License to Own and Possess Firearm (LTOPF).

Ang rason: hindi naman daw ito rekesitos batay sa RA 10591.

Kung wala na raw NBI Clearance makasusunod raw ang PNP sa RA 11032 o ‘yung tinatawag na “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. 

Para raw epektibong matanggal ang NBI Clearance, kailangan rin daw i-revised ang IRR ng RA 10591.

At siya raw bilang Chief PNP, alinsunod daw sa kanyang ‘rule-making power’ sa ilalim ng RA 10591, ay may kakayahang mag-amyenda ng nasabing batas.

Wattafak!

Mukhang nag-aambisyon si Gen. Sinas na maging tongresman este kongresman kapag nagretiro bilang hepe ng pambansang pulisya?

Hak hak hak!

Sabi nga ilang kaibigan natin sa NBI: “I really can’t figure out how he even passed the PMA…”

Sa totoo lang, kung gusto ni Chief PNP na mapabilis ang proseso ng pagkuha ng LTOPF pakinggan niya ang suhestiyon ng mga ipinatawag nilang mga gunsmith, gun store owners, at gun owners na gawing five years ang bisa ng LTOPF.

Palagay naman natin ay alam ni Gen. Sinas na sa Amerika, limang taon ang bisa ng lisensiya sa pagmamay-ari ng baril, at isa na lang ang lisensiya hindi na kailangang dalawa pa.

Ang balita natin, nag-walkout nga ang isang abogado sa nasabing consultation dahil hindi naman pinakinggan ang kanilang opinyon.

Saka kung ipatatanggal ang NBI clearance, gusto nating itanong, maayos ba ang database ng PNP?

Sa mahabang panahon, ang NBI Clearance ang kinikilala ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan at pangunahing rekesitos sa mga transaksiyon na nangangailangan ng background investigation ng isang tao.

Tapos tatanggalin ang NBI Clearance sa pagkuha ng lisensiya ng baril?!

E ‘di parang ginawang legal ang pamamayagpag ng mga gun-for-hire?!

Insekyur ba si Gen. Sinas sa NBI dahil sila ang pinagkakatiwalaan ni Pangulong Roidrigo Duterte sa pag-iimbestiga sa malalang kapalpakan ng PNP — lalo na ang pinakahuling  ‘SELL-BUST’ kuno ng QCPD Police Station 6?!

Sabi nga ni PDEA chief Wilkins Villanueva, “Kailan pa naging legal ang sell-bust sa ilegal na droga?”

Tsk tsk tsk…

Mukhang kailangan na talagang ireporma nang husto ang PNP.

‘Di ba, Sir Aldrin?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *