Saturday , November 16 2024
arrest prison

Misis ‘kosa’ na sa ‘food packs’ na may shabu (Para kay mister sa hoyo)

KASAMA nang nakakulong ng 19-anyos misis ang kanyang mister matapos pasalubungan ng pagkaing hinaluan ng shabu sa La Loma Police Station 1 sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Danilo Macerin ang nadakip na si Justine Kate Guinto, 19, residente sa C. Palanca St., San Miguel, Quiapo, Maynila.

Sa ulat, dakong 4:40 pm, 7 Marso, nang mabuking ng La Loma Police Station 1 si Guinto nang inspeksiyonin ng duty jailer ang mga dalang food packs para sa mister na si Sohail Arumpac, nakapiit dahil sa kasong ilegal na droga.

“Ang pagkakaaresto ni Guinto ay nagpapakita lamang ng pagiging alerto ng ating mga (ka)pulis(an) sa loob man o sa labas ng ating estasyon. Ang kampanya laban sa ilegal na droga ay mas lalo pa nating paigtingin at ating ipatutupad sapagkat nais nating maging maayos, mapayapa at ligtas ang ating siyudad,” ayon sa QCPD chief. (ALMAR DANGUILAN)

 

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *