DAGDAG na blessings para sa mga bida ng Ang Sa Iyo Ay Akin ang pag-ere ng kanilang programa sa TV5. Bukod pa na ito ay maituturing na pinaka-matagupay na drama series na nabuo, naitawid, at magtatapos sa gitna ng pandemya at sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ito rin ang kauna-unayang serye na inilabas sa pamamagitan ng digital platform. Bukod pa sa mga papuring tinatanggap ng ASIAA mula sa manonood, lagi rin itong trending sa social media.
At noong Biyernes isa ang ASIAA sa bumandera na mapapanood na nga sa TV5 simula kahapon, Lunes. Kasama rin ang tatlo pang “Primetime Bida” shows. Ito ay ang FPJ’s: Ang Probinsiyano, Walang Hanggang Paalam, at ang finale week din ng Pinoy Big Brother: Connect.
“Biyaya talaga, kahit huling dalawang linggo, mapanood siya ng mas maraming mga tao na Kapamilya natin. Malaking bagay na ‘yan kaya taos puso pong pasasalamat sa Panginoong Diyos because this is really his gift,” ani Iza Calzado, isa sa bida ng Ang Sa Iyo Ay Akin.
Huge blessing namang maituturing ni Sam Milby ang pagbabalik sa free TV ng ABS-CBN. ”This is a huge blessing at sana, kasi last two weeks (na ng serye), lahat ng pasabog, sana kahit paano maka-catch up yung mga manonood.”
Samantala, makatigil-hinigang tagpo na naman ang sasalubong sa viewers ngayong linggo dahil malalagay sa bingit ng kamatayan si Jake (Grae Fernandez) sa tangka nitong muling takasan si Caesar (Simon Ibarra). Kaya tutok lang at huwag bibitaw.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio