Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Technician inatake sa puso habang nasa motorsiklo

PATAY  ang isang 42-anyos technician nang atakehin sa puso habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang  dead on arrival sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang si Richlee Mangali ng Block 6 Lot 11 Tahiti St., Crystal Places, Malagasang II-C, Imus, Cavite.

Ayon kay Malabon Police Vehicular Traffic Investigation Unit chief P/Capt. Andres Victoriano, dakong 8:34 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C-4 Road patungong Navotas City.

Minamaneho ng biktima ang isang Honda Beat motorcycle (CC-27646) ngunit pagdating sa kanto ng Leoño St., Brgy. Tañong ay nawalan ng kontrol sa manibela na naging dahilan upang dumulas.

Isinugod ng nagrespondeng rescue team ng Brgy. Tañong ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit idineklarang patay dakong 10:35 pm ng attending physician dahil sa heart attack. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …