Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pagpili ng bise presidente malakas na rin ang higing

PUMUTOK ang bulong-bulungan – si Joel Villanueva daw for Vice President? 

Ang nakatatawa rito, parang ngayon lang nabigyan ng halaga ang usaping pagka-bise presidente e ang layo pa ng eleksiyon.

‘Yung kung sino ang puwedeng maging epektibong bise presidente gayong matagal pa ang halalan?

Lagi na lang, kapag ang VP ang topic puro kontrobersiya.  

Kaya sige nga, pag-usapan natin ‘to, maiba naman.

Pag-aralan nga natin itong Joel Villanueva. Oo – si senador! Marami ang nagulat sa sumabog na ideya! 

Kahit si Senator Villanueva mismo nagulat. First time raw niyang narinig ang rekomendasyon. Masyado pang maaga sabi niya.

Pero bakit ang mga kandidato sa pagka-pangulo umiingay na? Ano ang kaibahan kung bise presidente ang usapan.

Hindi dapat tawaran ang kahalagahan ng isang VP. Sabi sa batas, dapat may Cabinet position ang maihahalal na VP dahil katuwang ng Pangulo. Hindi ‘yung ang bintang agad ‘e ‘pag tumakbong vice president, ang intensiyon ay mapalitan ang Pangulo. 

Hindi ba puwede munang magaling kasi, at qualified naman para sa posisyon kaya nagbabalak tumakbong VP? 

Huwag naman agad pagdudahan.

Kaya ang tanong – puwede nga bang VP si Joel Villanueva.  Isipin natin ‘yung mga posibleng maging susunod na presidente, bagay bang VP niya si Joel?  Nakaiintriga nga naman ang usaping ito.

Kaya ano ba ang hahanapin natin sa isang vice president?  

The usual – maganda ang track record as public servant, team player, may alam sa mga importanteng isyu ng bayan – trabaho, pagkain, edukasyon, seguridad, magandang kinabukasan, etc. etc.

Dito nga natin ipasok itong Joel Villanueva.

Hardworking ba siya? Ito ang mga batas na naipasa niya bilang senador: Philippine Qualification Framework,  National Tech Voc Day, Occupational Safety and Health Standards, Telecommuting Act, Tulong Trabaho Act, First Time Jobseekers, Office of Social Welfare Attachè, Service Charges in Hotels and Establishments in Distribution, Salary Standardization V, Values Education in K-12 Curriculum, Amendments to the School Calendar Act, at Doctor Para sa Bayan.

Ang dami!

Puwede nga. Masipag ang bata. Sa mga batas na ‘yan, ipinapakita na kapang-kapa niya ang pulso ng Pinoy. Alam niya ang kailangang tulong ng tao galing sa gobyerno – trabaho at proteksiyon sa mga manggagawa, at edukasyon.

Bago naging senador, nag-TESDAMAN muna si Joel. At dito siya sumikat nang husto. Pinasikat niya kasi ang TESDA. Inayos niya at ginawang relevant ‘yung ahensiya. 

Biglang umingay ang usapin ng TechVoc at kung paano makatutulong ang TESDA sa pag-angat ng buhay ng mga manggagawang Filipino.

Pero ang ugong kasi, siguro tungkol sa VP position ay galing sa usaping kung bakit ang isang senador puwede maging bise presidente.

At ang maaaring basehan ng pag-angat ng kilay ng ilan ay dahil sa mababang pagtingin ng marami sa Office of the VP.

Kaya mas lumutang ang ideya, kung si Joel Villanueva, ang maging susunod na VP, maaaring maisalba ang reputasyon ng opisinang ito.

Iaangat ni Joel ang reputasyon ng pagiging isang pangalawang pangulo dahil sa ipinakikita niyang kakayahan bilang tapat na lingkod-bayan.

Nakita ko nga ‘yung photo ni Joel at ni Vico Sotto kamakailan.  Parang may pag-asang hatid. Noong bata pa si Joel – 26 siya nang unang naging mambabatas, ganyan din siya tulad ni Vico – matapang, malakas ang boses laban sa korupsiyon at masipag. Hindi natulog sa pansitan ng Kongreso, ‘ika nga.

Puwede bang VP si Joel Villanueva?  Parang oo, ‘di ba? 

May takot sa Diyos bilang isang pastor, ang bigat ng track record bilang lawmaker, may Masters sa Business Administration ng Harvard University sa Massachusetts.

Ano pa ba?

Sa huling punto, idagdag pa na isang mabuting anak at ama, tapat na asawa, at mapagmahal na kapatid – mga basic values ito ng isang Pinoy na kapag dinala niya sa pamumuno ay puwedeng muling magbalik sa pagpapahalaga ng Filipino sa opisina ng pangalawang pangulo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *