Saturday , December 21 2024

No Vaccines, No Work Policy tama ba?

KAPANSIN-PANSIN na kung kailan dumating sa bansa ang partial na bilang ng bakuna laban sa CoVid-19 gaya ng Sinovac at AztraZeneca, umakyat o mas dumami ang bilang ng mga positibo sa virus at naging dahilan  ng lockdown ng ilang lugar o barangay sa bansa.

Hindi kaya isa itong propaganda lamang upang mangamba o mas matakot ang taongbayan at mapilitang magpabakuna dahil bago dumating ang vaccines sa bansa ay marami ang ayaw magpabakuna dahil takot sa magiging epekto nito sa kanilang kalusugan.

Ngunit kailangang hindi masayang ang vaccines, kaya upang mapilit ang taongbayan na magpabakuna, heto at gustong pairalin ang “no vaccines, no work” policy?

Sabi nga ni Nina Taduran ng ACT-CIS Party-list, dapat ay walang maganap na pilitan sa pagbabakuna, at sabi nga rin ng Pangulong Duterte, may karapatan ang tao na tumanggi.

Sa aking pananaw, kung matutuloy ang no vaccines, no work policy ay isa itong pagdidikta ng gobyernong Duterte. Posibleng sumunod dito ay no vaccines, no travel abroad.

Kung may katotohanan man na ipatutupad ang no  vaccines, no work policy, ang mga kompanya na at mga employer ang susunod dito. Kaya walang magagawa ang isang indibidwal na gustong magtrabaho.

BUTI NAMAN ‘DI INTERESADO SI BONG GO

Mukhang nagsasabi nang totoo si Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang payagan na tumakbo bilang Presidente ang anak niyang  si Davao City Mayor Inday Sarah Duterte kaya si Senador Bong Go ang kanyang biniro.

Alam natin na mahusay lumaro ang Pangulo, puwe­deng hindi o tuloy ang kanyang anak dahil ginawa na niya ito noon. Posible rin na ayaw munang ideklara para maiwasan ang mga batikos dahil maaga pa para pag-usapan ang tungkol sa 2022 presidential election.

Maging si Senador Bong Go ay tumanggi din sa biro, ‘di natin alam kung totoo ni Pangulong Duterte, anong malay natin kung drama lang. Sa aking opinyon, alam natin na hilaw na hilaw pa si Senador Go, aminin man o hindi naging senador si Go dahil nadala siya ng kasikatan ni Pangulong Duterte gayundin si Senador “Bato” dela Rosa.

Kung dilawan ang nanalo, siguradong ‘di pasok sa pagka-senador ang dalawa. Sana panindigan ni Senador Go ang kanyang pagtanggi dahil serbisyong makatulong sa mga kababayan ang layunin niya. Bagay pala as DSWD head ang Senador.

At siyempre nakikiramdam pa ang lahat sa balwarte ni Pangulong Duterte, baka nga may sumulpot na mas matindi! Gaya ni Duterte, natangay si Go.

Kung kalaban ni Duterte ang magwagi, tiyak na tiyak na ‘di na makababalik sa Senado.

Sa apelyido pa lang, siguradong tsekwa pa rin ang paboritong tutulong sa ating bansa kung magdesisyon si Go at magwagi bilang susunod na Pangulo ng bansa!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *