EKSKLUSIBONG nakapanayam ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Film Development Council of the Philippines Chairman Liza Dino-Seguerra ukol sa pagbubukas ng mga sinehan.
Noong March 5 nakatakdang magbukas ang mga sinehan sa GCQ at MGCQ areas.
Ani Chair Liza, nasa cinema owners ang desisyon kung kalian magbubukas ng mga sinehan.
“It’s up to the cinemas pa rin kung mag-o-open na sila. So baka ano, baka magpe-prep pa sila, kasi kakalabas pa lang niyong isang araw noong ano, eh, protocols galing sa DTI. So baka inaalam pa nila ’yung protocols nila sa ibinigay ng government.
“If they feel na hindi pa sila handa, gusto muna nilang… kasi kakalabas lang niyong memorandum circular, gusto nilang siguraduhin na aakma na ang protocols nila sa ibinibigay ng gobyerno and doon lang din nila nakita na, for example, 25 percent pa lang ina-allow sa GCQ areas, 50 percent sa MGCQ areas.
“So rito sa Metro Manila, hanggang 25 percent capacity pa lang ’yung pwedeng i-allow, tapos siyempre, nakalagay doon, no eating… so, kahit bukas ang mga sinehan, mga snack bar nila, sarado, parang ganoon. They have to take into account lahat ng inilabas ni DTI na restrictions para magbukas.
“But generally, until the cinema feels na parang makapag-umpisa lang, masanay lang ang mga tao na ‘ay, bukas na siya,’ you know, it’s an option that they have, para unti-unti tayo uli magkaroon ng patrons.
“And then, of course, dahil nga I’m sure hindi pa naman talaga final, ’yung films din na nakakontrata para magpalabas, ’di ba? They have to synchronize ’yung films, so give it a week or two, para talaga makapag-adjust ’yung mga cinema.”
May ginagawa ring pag-uusap ang FDCP at ilang cinema owners bilang paghahanda naman sa isasagawang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa Setyembre na plano nilang gawin sa physical theater.
“Pero we have to be very specific with the content. Kasi, siyempre, ang dami-rami na ring local streaming platforms. So ’yung ganoon, lahat ’yon, we hope na ma-launch namin sa September,” aniya.
Bukod dito, may activity ding inihahanda ang ahensiya kasama ang CCP at NCCA na idaraos sa ini-renovate na Metropolitan Theater (MET), Cinema Filipina para sa selebrasyon ng Women’s Month ngayong Marso, film workshops, conferences, at isang film camp katuwang naman ang Ortigas Cinemas, atbp..
“We intend to help in any way we can para lang ’di ma-feel ng industry na ’di natin alam kung saan tayo mag-uumpisa,” giit pa ni Chair Liz
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio