Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelika Santiago
Angelika Santiago

Angelika Santiago, happy sa pagdating ng blessings

ITINUTURING ng teen actress na si Angelika Santiago na malaking blessings sa kanya ang mga dumarating na projects lately.

Ang magandang young actress na nakilala nang husto sa TV series na Prima Donnas ng GMA-7 ay nag-guest kamakailan sa TV5’s Wanted: Ang Serye ni Raffy Tulfo para sa episode na pinamagatang Nanay Ko, Karibal Ko. Kasama ni Angelika sa naturang episode sina Matet de Leon, Alma Moreno, at Alan Paule.

Si Jelay (nickname ni Angelika) ay parte rin ng forthcoming TV series ng Net25 titled Love From The Past. Tampok dito sina Sean de Guzman, Lotlot de Leon, Lloyd Samartino, Nella Dizon, at Francis Magundayao and Claire Ruiz, mula sa pamamahala ni Joel Lamangan.

Aminado si Angelika na hindi niya ini-expect ang pagdating ng mga naturang project, pero sobrang thankful siya sa biyayang ito.

“Nagulat po ako actually, sa totoo lang. Siyempre parang iniisip ko po na siguro naka­papagod ito, pero siyempre, since gustong-gusto ko po ang pinasok ko, kakayanin ko lahat ng pagod.”

Ano ang reaksiyon niya sa takbo ng kanyang career ngayon? “Okay po! Actually nakaka-proud lang po, kasi before parang extra lang ako, pero now, grabe! Parang… glow-up po ang aking career.

“Nagpapasalamat lang po ako kay God ngayon sa mga blessing na tulad nito. Super-happy po ako sa mga projects na ito, as in… Blessing po talaga ni God ito.”

Kontrabida siya sa Love From The Past kaya mas ganado si Angelika. Sambit niya, “Kontrabida po talaga ‘yung gusto ko ever since. Siguro po kasi, marami akong iniidolo na kontrabida or kahit mean girl na bida like sina Ms. Aiko Melendez at Gladys Reyes po.”

Nabanggit din ni Angelika na pinag-aaralan niya talaga ang maging kontrabida. “Yes po! Lagi, hahaha! May times na kay mama ako nagpa-practice, kaming dalawa ang magka-eksena, tapos nanonood din po ako ng mga videos,” aniya pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …