NATIKMAN na namin ang Kapeng Barako na negosyo na rin ng aktor na si Jason Abalos.
Ito ang ibinunga ng mga tanim nilang kape sa kanilang lupain sa Indang, Cavite. Na pinagpala at pinalaki nilang mag-anak ng buong ningning.
Sa pictorial ng pelikulang Silab na pinagbibidahan ng mga alaga ng 3:16 Media Network na sina Cloe Barreto at Marco Gomez, na si Jason ang third wheel, nakapag-share ng kuwento si Jason sa kanyang negosyo ngayon.
“Maganda ang feedback, Tita Pilar. Kasi, gustong-gusto ng mga naka-try na sa Barako namin, hindi lang ‘yung aroma at lasa talaga, very affordable rin. Masarap din lang na ako nagde-deliver ng order ng mga friend.”
Nakita namin ang magandang motor bike ni Jason sa labas at isa rin ito sa kanyang kinahihiligan dahil maraming bundok na siyang naaakyat kasama ang mga kapwa niya motorista.
Hindi naman kailang may nagbibigay na ng inspirasyon sa buhay niya ngayon, si Vickie Rushton.
“Ang importante naman sa isang relasyon bukod sa pagmamahalan at tiwala ay ‘yung suporta na ibibigay niyo sa isa’t isa all the time. Kaya I can say na ‘am truly happy.”
Thankful si Jason sa proyekto niya ngayon. Ang pagtitiwala sa kanya ng 3:16 Media Network na makatrabaho rin ang mga batikan na gaya nina Lotlot de Leon at Chanda Moreno at maidirehe ni Joel Lamangan.
“Kinabahan pa rin ako sa ilang mga eksena ko. Kasi, we were given out moments sa characters na binigyang buhay namin. Siyempre, minsan may mga tanong ka pa rin kung naibigay mo na nga ba ang lahat. We’ve had our shares of heavy scenes in the movie. Kaya, lahat excited na maipapanood na ito kasi, ultimo si Direk Joel malulunod ka sa mga papuri niya sa parang job well done ng bawat isa sa amin.”
Hindi naman maikakaila na sa bawat artistang pinagagalaw ni Direk Joel sa kanyang mga proyekto, nasa kumpas nito ang magkaroon ng pagkakataong mapansin ang husay ng kanyang aktor.
At tiyak mapapansin si Jason kasama ng dalawang baguhan.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo