Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bernie Batin, ‘di makapaniwalang artista na!

ANG kilalang social media personality na si Bernie Batin ay sumabak na rin sa pelikula at mapapa­nood via Ayuda Babes na pinamahalaan ni Direk Joven Tan. Ito ang first movie ni Bernie na ang vlog ay kinaaaliwan ng marami.

Si Bernie ay 35 years old, tubong Pangasinan at last January 2020 lang siya nag­simulang mag-vlog. Kilala rin siya ngayon bilang Pinakamasungit na Tindera sa social media dahil sa kanyang mga antics sa Tindahan serye vlog niya.

Kuwento ni Bernie, “Iyong tindahan content ko po, nagsimula po last October 2020, so ‘yun na po pinaka… kasi before po halo-halo mga content ng videos ko, hanggang sa sabi ko, ‘Why not gawin ko ‘yung aking tindahan naman na content?’

“Ginawa ko siyang content at hindi ko po ine-expect na on the first day po na nag-vlog ako with my tindahan content po, nag-viral na nga po, hanggang sa sinundan ko nga po kinabukasan, hanggang sa nagte-trending pa rin po ‘yun… Hanggang sa ‘yun na nga po, nag-stick na po ako sa isang content which is my Tindahan po na content.”

Ano’ng reaction niya dahil mula sa pagiging social media personality, artista na rin siya ngayon?

Saad ni Bernie, “Ayun po, sobrang thankful. Noong first po, unbelievable nga po, hindi ako makapaniwala kasi hindi ko po inaasahan. Hindi ako makapaniwala na ‘yung dating mga dream ko na maka-work ay natupad na nga po. Siyempre sa tulong po ‘yan ni direk Joven Tan. Kasi siya po ‘yung naging tulay para mapabilang po ako sa movie at makatrabaho ko po ‘yung magagaling na mga artista sa pelikulang Ayuda Babes nga po.”

Ang Ayuda Babes ang pinakabagong handog ng Saranggola Media Productions. Tampok dito si Gardo Versoza, with Christi Fider, Zeus Collins, Bidaman Dan Delgado at may special participation sina Marlo Mortel at Marc Logan.

Pinagsama-sama rito ang magagaling na komedyanteng sina Ate Gay, Negi, Iyah Mina, Petite, Joey Paras, Brenda Mage, Juliana Parescova Segovia.

Ipalalabas ang Ayuda Babes sa iWant TFC at sa Ktx.Ph simula ngayong Friday, March 5.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …