Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi at Benjamin nahilig sa K-drama

SA interview sa IJuander, inamin ng Owe My Love lead stars na sina Lovi Poe at Benjamin Alves na nakahiligan na nila ang panonood ng K-drama. In fact, ginawa nila itong inspirasyon para sa kanilang GMA Telebabad series.

“I watched ‘Crash Landing On You’ as my first K-drama and since then, wala na, hindi na ako tumigil. Instantly, no fail, ‘yung mga K-drama nagiging paborito ko sila at that very moment,” share ni Lovi.

Si Ben naman, nagandahan sa Reply 1988”Favorite ko is ’Reply 1988.’ For sure, ‘yun po ang number 1 para sa akin. ‘Yung mga tema po nila sa mga subject, Pinoy na Pinoy talaga.”

Bilang paghahanda naman para sa kanyang karakter sa OML as Doc Migs Alcancia, pinanood ni Ben ang Dr. Romantic at Hospital Playlist.

“Ini-recommend sa akin ni Lovi na panoorin ang ‘Dr. Romantic,’ ‘Hospital Playlist’ kasi parehas ang treatment and medyo light lang sila.”

Si Lovi naman ay nanood din ng iba’t ibang K-dramas para sa kanyang character na Sensen Guipit. ”Binigyan ako ng tip na manood ng K-drama kasi parang ganoon ang atake ng TV show namin na ‘Owe My Love.’ I made sure na nanood talaga ako para matuto ako,” aniya.

Bukod sa kilig na dala nina Lovi at Ben, lutang din ang galing sa pag-arte ng buong cast ng serye. Maraming viewers ang nakare-relate sa OML na umiikot sa pamilya at usaping pera. Creative rin ang mga gimmick per episode kaya naman patuloy ang pagtaas ng ratings nito gabi-gabi.

Ngayon ngang nagkaroon na ng bagong kontrata kina Sensen at Doc Migs, expect more kilig talaga dahil magpapanggap na silang mag-asawa. Pero siyempre ‘di pa rin paaawat ang mga kontrabidang sina Divina (Jackylou Blanco) at Trixie (Winwyn Marquez).

Subaybayan ang kuwento ni Sensen at Doc Migs sa OML tuwing 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …