Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zara Lopez, happy sa pag-renew ng kontrata sa Relumins

IPINAHAYAG ni Zara Lopez ang labis na kasiyahan sa pagre-renew niya ng kontrata bilang endorser ng Relumins na pag-aari nina Jack Gindi at Susana Boleche Gindi.

Sinabi ng dating member ng Viva Hot Babe na hindi lang siya endorser dito, dahil pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa.

Lahad ni Zara, “Sobrang masaya po ako kasi sa four years ko po sa kanila, patuloy pa rin po nila akong pinagka­katiwalaan na maging endorser. Hindi lang po kasi basta endorser nila, they treat me as a family talaga.

“Iyon po ‘yung mas nagpapatibay ng relationship namin. ‘Di lang po ito basta trabaho, mahal ko rin po ‘yung Relumins family.”

Ano ang mabuting epekto ng Relumins? “Ang magandang effect niya is nakaka-glow ng skin at the same time, I’m 36 and kailangan natin ng collagen sa katawan para mas magmukhang bata or ‘di agad magmukhang matured.

“Mayroon din different kinds of vitamins like Vitamin C, Resveratrol, Immune boost para sa good health naman po lalo ngayong pandemic na mas need natin palakasin ang ating immune system. I’m using glutathione din for whitening ng skin naman po, we need to take care of ourselves inside and out,” wika ng aktres.

Aniya, “Lahat po ng products ng Relumins ay ini-endorse ko and halos lahat naman po ginagamit ko rin especially we have collagen drink na anti-aging, ‘yun po ‘yung pinaka-favorite ko.

“Ang Relumins ay may soap din po, glutathione, lotion, toner, anti-aging cream, deodorant… Halos lahat po ng needs na pampa-beauty, kompleto po.”

Incidentally, simula sa March 6, at every Saturday, 8pm ay mapapanood si Zara sa Ikaw Ay Akin ng Net25. Tampok din dito sina Meg Imperial, Fabio Ide, Elizabeth Oropesa, Tanya Gomez, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Eduardo Roy.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …