Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Samantha Marquez, type sumabak sa kontrabida role

NAHATAK ng kinang ng showbiz ang 16-year ld na si Samantha Marquez. Sa mediacon ng forthcoming movie na The Maharlikans, humarap si Samantha sa grupo ng entertainment press at nabanggit niyang kung mabibigyan ng pagkakataon ay mas gusto niyang gumanap sa role na kontrabida.

“Sakaling mabibigyan ng chance, siguro kontrabida, kontrabida role po ang gusto ko,” saad ng newbie actress.

May pagkamaldita ba siya? “Hindi po, hahaha!” Nakatawang sagot niya.

Si Samantha ay Grade-11 sa Angelicum College at pamangkin ng dating Caloocan Mayor na si Recom Echiverri.

Ano ang feeling niya na ang kanyang first movie ay malapit nang simulan? ”Yes, super excited po ako!” Matipid na sagot niya.

Since type niya’y kontrabida role, paano kung ang eksena ay sasampalin niya si Julia Barretto, okay lang ba ito sa kanya?

“Kung ‘yun po ang kailangan sa eksena. Kung hinihingi naman po sa istorya at iuutos ng direktor na kailangan kong sampalin si Julia, gagawin ko po,” tugon ni Samantha.

Dagdag niya, “Acting lang naman po ‘yun at sa harap lang po ng camera. Pero if given a chance, gusto ko rin po siyang maging friend.”

Kung matatandaan ay naging usap-usapan sa entertainment world, ang kanyang uncle na si former Mayor Recom at ang mommy ni Julia na si Marjorie Barretto.

Nang sinubukan ng mga taga-media na usisain si Samantha tungkol dito, ang nakangiting tugon niya ay: “No comment po ako riyan.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …