Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

G-Side Night Club nina Kiko Rustia at Camille Velasco, cozy at cool na gimikan

SPEAKING of Ms. Len Carrillo, napasabit kami sa pagpunta ng lady boss ng 3:16 Events and Talent Management nang dumalaw siya sa soft opening ng G-Side Night Club, located sa Tomas Morato Avenue malapit sa ABS-CBN.

Kasama niya rito sina Sean de Guzman, Cloe Barreto, Quinn Carrillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Gelo Alagban, at iba pa, nag-enjoy kami nang husto sa G-Side Night Club. Masarap ang food and drinks nila at cool mag-chill dito. Kaya sure kaming dudumugin ang lugar kapag mas naging maluwag na sa Metro Manila.

Ang G-Side Night Club ay pag-aari nina Kiko Rustia na nakilala sa Born to be Wild at Survivor Philippines, at ng kanyang magandang misis na si Camille Velasco.

Nagpasya sina Kiko at Camille na magtayo ng business na ganito nang humina ang mga project ni Kiko sa showbiz.

Very cozy ito at very accomodating ang staff. Mahigpit ang kanilang safety and health protocols, kaya bawal ang masyadong magkakalapit. Laging umiikot ang mga bouncer para i-remind ang lahat at siguraduhing nasusunod ang social distancing.

Pagpasok pa lang ay binibigyan nila ang customers ng bag para lagyan ng kanilang face mask at face shield. Pero kapag wala sa kanilang tables or pupunta sa CR ang kanilang guests, dapat na isuot ulit ito. May mga alcohol din sa bawat table para sa safety ng customers.

Ang eksaktong address ng G-Side Night Club ay sa 27-A Tomas Morato Avenue, corner Eugenio Lopez Drive, Brgy. South Triangle, Quezon City. For VIP couch and table reservations, mag-text sa 0905-5733799.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …