AMINADO si Cloe Barreto na wish niyang magmarka sa mundo ng showbiz, kaya naman itinodo ng magandang aktres ang makakaya sa kanyang launching movie na pinamagatang Silab.
Ito’y pinamahalaan ng batikang direktor na si Joel Lamangan at tinatampukan din nina Marco Gomez, Jason Abalos, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, at iba pa.
Gumaganap dito si Cloe bilang isang babaeng wild, kaabang-abang ang mga daring scene rito ni Cloe kay Marco.
Si Cloe bilang si Ana at si Marco sa papel na Rod, ay kapwa may asawa na. Subalit naghanap si Cloe ng kakaibang init ng pagmamahal kay Rod, na hindi niya naramdaman sa mister niyang ginampanan naman ni Jason Abalos.
Second time na niya with Direk Joel, anong klaseng experience na ma-handle siya ng isang premyadong direktor?
Lahad ni Cloe, “Noong una, nakakakaba talaga, kasi naririnig ko po sila na ganito, ganoon… Pero para sa akin po kasi, parang challenge para mas mailabas ko pa ‘yung dapat kong ilabas and para rin po hindi mapagalitan ni Direk.”
Handa na ba siyang pagpantasyahan ng mga barako, after ipalabas ang movie nila? Tugon ni Cloe, “Ready naman po, ready naman…”
Anong pakiramdam kapag nalaman niyang pinagpapantasyahan siya ng mga kalalakihan? “Ahhh… kinakabahan po, hahaha! Siguro po masaya na at the same time ay nakakatakot, parang ganoon po siguro ang pakiramdam.
“Pero okay lang naman po iyon, kasi ay natural lang naman po iyon, normal lang na iyong ibang lalaki ay pagpantasyahan iyong ibang babae.”
Flattered din ba siya? “Yes po nakaka-flattered din po, kasi hindi naman lahat ay pinagpapantasyahan ng mga barako. Pero basta po hanggang pantasya lang, okay lang naman po iyon,” nakangiting wika ni Cloe.
Ang Silab ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network ng kanilang manager na si Ms. Len Carrillo.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio